Chapter 19: Aftermath

3405 Words
Sa loob ng kotse ni Greg sa parking area di maalis ang ngiti sa dalawang binata. “Pare kahit ilang oras lang, naranasan narin natin maging normal, naranasan natin maging Shan, Tommy at Jason” sabi ni Enan. “Yeah, ganito pala ang feeling pare” sagot ni Greg. “Teka, bakit pala kita dinadamay? Nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko?” tanong ni Enan. “Ahem, just so you know my friend while you and Katrina were on a lunch date…ahem…kasama ko naman pinsan niyang si Lea. Kumain din kami sa Japanese restaurant” pasikat ni Greg. “Ows? Di nga? Magsosorry nga dapat ako sa iyo kasi bigla nalang kita nilaglag e” sabi ni Enan. “Oh please my friend do not be sorry. I am so thankful to be honest. Pare, yung pinsan niya, she is so okay that she does not treat me like a mutant. Pare, alam mo ba yung feeling na yon na umpisa palang hindi ka na pinandirihan?” tanong ni Greg. “Kaya nga e, pare parang panaginip nga talaga e. Pero salamat sa iyo pare at pinush mo ako. Katrina is so different pare. Hindi ko kaya ipaliwanag pero alam mo na siguro yung sinasabi ko at nararamdaman” sabi ni Enan. “Pare, kakaiba yung mag pinsan na yon. Sa panaginip lang ng mga tulad natin sila nabubuhay e pero they really exist my friend” sabi ni Greg. “Pasensya na pare pero parang nasa langit parin ako” sabi ni Enan. “Happy ako para sa iyo pare, ako masaya na ako kasi nakausap ko din magandang pinsan niya. Yung pakikipag usapan na hindi ako yumuyuko, yung nakikiusap ako na diretso tingin niya sa akin at kitang kita na hindi siya nandidiri o natatakot” sabi ni Greg. “Ihatid mo na ako pare, sariliin nalang natin yung happiness natin” sabi ni Enan. “Sure pare, isara mo na bintana mo, this time mag aircon tayo para di maalis sa katawan natin ang good vibes” banat ni Greg kaya nagtawanan sila. Pagdating sa bahay nina Enan nakatanggap siya ng text message. “Did you get home safely?” basa niya kaya biglang kinilig yung dalawa. “Awww how sweet” landi ni Greg. “Kaya nga e, pare salamat sa paghatid at pagsama sa akin. Pasensya ka na kung gusto ko na pumasok kasi gusto ko paabutin tong feeling na ito sa bahay” sabi ni Enan. “By all means my friend…uy may nagtext din sa akin o…uy tignan mo o si Lea” sabi ni Greg kaya sinilip ni Enan phone ng kaibigan niya. “Ano sabi?” tanong niya. “Tuloy ha, wag kang duduwag duwag” basa ni Greg kaya nanlaki mga mata ni Enan. “Pare bakit ganyan text niya?” tanong niya. “Its about basketball my friend. You see Lea plays ball. Ahem my kind of girl” landi ni Greg. “Ah okay, akala ko naman hinamon mo ng suntukan” biro ni Enan. “Siraulo ka, its basketball my friend. Sige na at gusto ko din ito paabutin sa bahay” sagot ni Greg. Pagkaalis ni Greg nanatiling nakatayo si Enan at tinitigan phone niya. “Enan come inside, bakit ka nagpaaraw?” tanong ni Rosa. “Wait a minute mother, I am trying to compose a text message” sagot ng binata kaya natawa ang kanyang nanay. “Para kanino naman? At ano nakain mo at ganyan ka magsalita? Are you smiling?” tanong ni Rosa. “Wait a minute please, I cannot make a mistake here” sagot ni Enan. Pagka send ng reply agad pumasok ang binata at niyakap ang kanyang nanay. Natawa si Rosa pagkat kinikilig ang kanyang anak kaya tinitigan niya ito. “Anak what is happening to you?” tanong niya. “Ma, naranasan ko narin maging normal kahit papano” sabi ng binata. “Enan! Normal ka! Bakit ka nagsasabi ng ganyan? Who told you hindi ka normal?” tanong ni Rosa. “Oh come on ma, you know what I mean” sagot ng binata. “Nasa isipan mo lang yan anak. You are normal, well for me and your papa you are a wonderful son” sagot ni Rosa. “Alam ko na yon ma kasi anak niyo ako. Pero ma please pagbigyan niyo na ako pag sinabi ko na naranasan ko naring maging normal today” sabi ni Enan. “Tsk, okay tell me what happened. Naiintriga ako kasi nararamdaman ko na masaya ka talaga. Is it Cristine?” tanong ni Rosa. “Ma! Hindi ka maniniwala! Ma! Ma! Ma!” sigaw ni Enan. “Come on tell me already” sabi ng matanda. “Ma! Sa mall kanina, may isang pretty girl na pinapansin ako..i mean tinitignan ako. Si Greg nakapansin, he told me pero sabi ko baka the usual…basta alam mo na yon ma. Pero ma sabi ni Greg iba daw so tinignan ko at ma! Iba nga talaga! Ma! The way she looked at me! Ma! Ang sarap!” “Ma! The way she looked at me! Ang sarap sa pakiramdam! Ma! Iba talaga ma. Ma! Ngayon ko lang naranasan yung may pa twinkle twinkle yung eyes, yung may pa shy shy then pa sway sway effect. Ayiheee! Ma ang sarap ng ganon” bigkas ni Enan. Parang naloloka narin si Rosa pagkat nakikiliti na siya sa kwento ng kanyang anak. “Oh tapos tapos? Halika ka nga upo tayo” sabi ng matanda kaya naupo sila sa sofa. “Ma sa totoo dinuwag ako kasi nga parang hindi naman totoo yung nangyayari e. Tapos tinulak ako ni Greg ma. E nandon na ma e, ang sarap nung pakiramdam kaya kinapalan ko na mukha ko” “Tinabihan ko siya tapos nagpakilala na ako sa kanya” sabi ni Enan. “O tapos tapos? Ano name niya? What does she look like?” tanong ni Rosa. “Oh mother she has soft hands. She is pretty, her hair is red, diretso tapos kutis niya makinis. Sparkle sparkle eyes, so soft lips, oh mother…she looked at me differently” kwento ni Enan. “Pinagloloko mo ba ako? Baka si Ronald Mcdonald yan ha” biro ni Rosa. “Ma! Kulot si Ronald at di kami talo. Ma totoo yung sinasabi ko, her name is Katrina. Pero pag tinuloy ko tong kwento ko mabubuking plano ko” sabi ni Enan. “Anong plano?” tanong ni Rosa. “Magpapasex change sana ako. Mukhang mas malaki chance ko kasi matanggap pag babae ata ako” banat ni Enan kaya piningot siya ng kanyang nanay. “Sinabi ko na nga ba niloloko mo lang ako. Umaakting ka lang ulit e” sermon ni Rosa. “Ma I am serious, madami CCTV sa mall at si Greg ang witness ko” sabi ni Enan. “Okay I believe you, so what happened?” tanong ni Rosa. “Ma I think I made a mistake agad” sabi ng binata. “Why? What did you do?” tanong ng matanda. “Kasi po ma, nag usap kami then nakwento ko I am looking for gifts for you and dad. Sabi niya samahan daw niya ako mamili” “Akalain mo yon ma, we just met tapos ganon siya agad. Teka ishortcut ko na para di maspoil surprise ko para sa inyo. So she suggested something, I agreed. Tapos na dapat pero ma, mali ba ako kung niyaya ko siya agad sa lunch?” tanong ni Enan. “Ma before you answer please understand, kasi po ngayon lang talaga ako nakaramdam ng pagiging normal kaya parang nilubos na ng utak ko e. I asked her to lunch, she said yes naman. Am I wrong mother?” tanong ni Enan. “Well if she helped you out with whatever surprise that is then I think its okay to treat her out” sabi ng matanda. “Oh thank God mother, so ayon sa restaurant kami kumain. Ma magkaharap kami tapos ma, tinitignan niya ako sa mata. Di tulad ng ibang babae na umiiwas kasi nga ganito ako. Ma as in nakausap ko siya ng normal, ako nga yung naiilang na kasi di ako sanay e” “She has a soft shy sounding voice, she loves to laugh, basta ma ang sarap niya kakwentuhan at gustong gusto ko siya patawanin” sabi ni Enan. “Teka anak baka naman pinasikat mo agad na kumakanta ka ha” sabi ni Rosa. “Oh no ma, basics lang pinag usapan namin. Like ano course namin, saan school, ano mga hobbies etcetera” “Ang sarap ng ganon ma, yung mag undergo ka ng process na ganon. Yung getting to know you, yung gawain ng normal na lalake” sabi ni Enan. “Will you stop saying that anak, normal ka naman e” sabi ni Rosa. “Pagbigyan mo na ako ma para naman maramdaman mo itong saya na nararamdaman ko” sabi ni Enan. Tumunog phone ni Enan kaya binasa nilang mag ina. “Busy? Okay to text?” tanong ni Katrina kaya napangiti si Rosa. “Sige na go, magbihis ka muna anak ha” sabi ng matanda. “Ma pero yung kotse nila ang gara, may bodyguard pa siya tapos yung plaka ng kotse nila…pang senador” sabi ni Enan kaya nagulat ang kanyang nanay. “Anak siya ng senador?” tanong ni Rosa. “I think so, its either her or her cousin. Di naman niya sinabi kasi. That means mayaman sila ano ma? So parang wala siguro nanaman ito ano in the end?” tanong ng binata. “Do not be like that anak. Alam mo nasa sa iyo na kung sa wala mapupuntahan yan” “Maganda na simula mo, may connection na kayo so keep it up and be yourself. Wag ka lang magyayabang anak, stay grounded” sabi ni Rosa. “Wala naman po ako balak magyabang, pangit na combo po yung mayabang na pangit pa” sabi ni Enan. “Enan hindi ka pangit, sige na go to your room and get to know her better. Kwentuhan mo ako mamaya ha” sabi ni Rosa. Samantala sa loob ng isang kwarto sa isang mansion sumugod si Lea sa kwarto ni Katrina. Agad tinago ni Katrina phone niya sa ilalim ng kanyang unan kaya natawa ang kanyang pinsan. “Geez will you relax its just me” sabi ni Lea. “Grabe ka kumatok ka naman muna kasi” sabi ni Katrina. Nagdive sa kama si Lea sabay inagaw phone ng kanyang pinsan. “Bakit ba? Ano ba tinatago mo?” tanong niya kaya nagtilian yung dalawa at pinag agawan yung phone. Tumunog ito aya agad binasa ni Lea. “Sure, no chores to be done so I am all yours” basa niya sabay tawa. “All yours daw, ang bilis naman ata” biro ni Lea kaya natili si Katrina at inagaw phone niya. “Uy dun ka nga sa kwarto mo kasi” sabi niya. “O bakit? You watch me while I used to text my ex” landi ni Lea. “Fine, wait replayan ko lang” sabi ni Katrina. Pagka reply binaba niya yung phone at biglang natawa sa malanding titig ng kanyang pinsan. “O ano nanaman?” tanong ni Katrina. “Wala naman, kanina ka pa nakangiti. May instant connection ata” landi ni Lea. “Baliw, he is a nice guy. He is funny, he is witty, at sobrang gentleman” pacute ni Katrina. “Never expected ganon pala type mo” sabi ni Lea. “Why? What is wrong with him ba?” tanong ni Katrina. “Wala naman ako sinabi ha. Kasi kilala ko lahat ng celebrity crushes mo so I was expecting you to fall for someone like them perhaps” sabi ni Lea. “Fall? Grabe ka naman fall agad?” tanong ni Katrina. “E ano tawag mo naman dito o sa mga pasa ko sa braso. Pinagkukurot mo ako kanina habang pinagmamasdan mo siya. Bigkas ka ng bigkas ang gwapo o, ang gwapo o…” banat ni Lea kaya napahiyaw si Katrina. “Gwapo naman siya talaga ha” sabi ni Katrina. “Gwapo-ish” sabi ni Lea. “Well for you maybe, kailangan mo din respetuhin judgement ko. I find him attractive…honeslty I do. Good posture, nice body, handsome face, then when I got to know him…he is kinda perfect-ish…well that is me so don’t judge” sabi ni Katrina. “I am not judging, he gwapo-ish, you have to respect my judgement too. Does he work out?” tanong ni Lea. “I didn’t ask him. Basta ang linis niya tignan, ang bango pa niya tapos ang porma. Well the outer aspects of him didn’t matter when we started talking naman” “Ang saya niya kasama. Badtrip na curfew yan” reklamo ni Katrina. “Finally, akala ko kasi sa babae ka na nagkakagusto e” banat ni Lea kaya nagtawanan sila. “I really don’t know, out of nowhere when I saw him parang…di ko maexplain e. He was so funny, walang paki sa mundo with that lola” bigkas ni Katrina kaya napataas kilay ng kanyang pinsan. “What lola? Ano pinagsasabi mo?” tanong ni Lea. “Ha? Ah..oh no..mali..erase. Basta wala yon. Anyway, naattract ako agad sa kanya, yeah I know he is not the typical gwapo that is why you add ish so not to hurt my feelings but…” “I cant explain why. Siguro ito na yung sinasabi nilang…ano na ba yon? Yung science article na body scent that each one is attracted to. Oh I don’t know, I never felt this way before and I am happy to be experiencing this for the first time” sabi ni Katrina. “O basahin mo na text niya” sabi ni Lea kaya binasa nila sagot ni Enan. “Please tell your cousin na sorry at iniwan nalang natin siya bigla pala. Parang bastos lang” sabi ni Enan. “O yan sorry daw” sabi ni Katrina. “No need, kahit papano nakakatuwa naman din kaibigan niya. Nabusog nga ako e” sagot ni Lea. “So you and his friend huh” landi ni Katrina kaya natawa si Lea. “Sira, siyempre ayaw kita masira sa kanya so I had to be good to his friend too. At isa pa ininterogate ko siya ng husto para malaman ko din anong klaseng tao yang Enan na yan. Then there is the treat so everything is fine” sabi ni Lea. “So what did you find out about him?” tanong ni Katrina. “Hello! Kayo nag date so dapat mas madami kang nalaman” sabi ni Lea. “Anong date? It was just lunch. That was not a date” sabi ni Katrina. “Parang ganon narin yon, ang bilis mo insan. You just met tapos date agad? Wow ha” landi ni Lea kaya umariba sa tawa si Katrina. “Sige na kasi, what did you find out about him?” tanong ni Katrina. “Hey look, I don’t want to spoil your experience. If you want to know about him then ask him” “Basta eto lang masasabi ko, mapagkakatiwalaan ko siya. I am fine with that. Wag kang mag short cut, kilalanin mo siya in your own pace. Palibhasa late bloomer ka” biro ni Lea kaya napangiti nalang si Katrina. “Edi magtatanong ako…wait” sabi niya sabay nagtext. “So you look fit, ano sport mo?” tanong ni Katrina sa text. “Halo halo special, konting alam sa basketball, konting alam sa billiards, konting alam sa badminton, in short pwede ako mag refree sa kahit anong sport pero player hindi” sagot ni Enan kaya nagtawanan yung mag pinsan. “He is so honest and really funny” sabi ni Lea. “Uy naman kasi” sabi ni Katrina kaya natawa ang kanyang pinsan. “Grabe ka compliment lang yon, di ko naman siya inaagaw sa iyo” sabi ni Lea. “Alam ko naman mas maganda ka sa akin e. At diba di mo naman siya type so akin nalang siya” sabi ni Katrina. “Ay gagita ka, it was just a compliment cuz. Will you relax” sabi ni Lea. “Ikaw ano sport mo?” tanong ni Enan. “No sports, taong bahay most of the time. I love to swim though. Nalangoy ko papuntang Red Sea kaya nagkaganito buhok ko” sagot ni Katrina. “Pag Red Sea dapat brown buhok mo like your cousin kasi maalat sa Red Sea, sa dead sea naman walang alat don so di magbabago kulay ng buhok mo. Siguro ang ibig mo sabihin e sa Parlor Harbor or Anek Anek ocean ka lumangoy” sagot ni Enan kaya natawa si Lea. “Ayan supalpal ka tuloy” banat niya kaya nagsimangot si Katrina. “Ouch” sagot ni Katrina. “Sorry for correcting you. Didn’t mean to hurt your feelings. Dami kasi misconceptions, like Greenland akala nila madami puno panay yelo doon. Sa Iceland naman akala nila panay yelo pero panay puno naman don” “Sabi nila sa langit lang may mga anghel, e kung ganon nasan ako kanina nung kasama kita?” sagot ni Enan. Napatigil yung magpinsan ng matagal, sabay sila biglang nagtilian ng malakas at pinag uuga uga ni Lea si Katrina. Labis na kinilig si Katrina kaya nakatitig lang siya sa kanyang telepono. “Hanep ha, tsk. Patingin nga number niya” banat ni Lea. “Naman to o” reklamo ni Katrina kaya natawa ang kanyang pinsan. “Joke lang, sige na replayan mo na” sabi ni Lea. “s**t ano irereply ko sa sinabi niya?” tanong ni Katrina. “Naman. Ang sarap mo kausap” sagot ni Katrina. “Yung lang sagot mo? My God Katrina” reklamo ni Lea. “E di ko alam ano isasagot ko e” sagot ng pinsan niya. “Sorry pala kanina if I kept staring at you. I hope I didn’t make you feel uncomfortable. I did enjoy your company so thank you for your time” sabi ni Enan. “Ano to? Tinatapos na ba niya? Hey Lea, ano to?” tanong ni Katrina kaya laugh trip ang pinsan niya. “Ah ewan ko sa iyo. Sumagot ka lang no” sagot ni Lea. “E parang nagpapaalam na siya e. Did I say something wrong?” tanong ni Katrina. “Wala gagita ka talaga. Akin na nga yan” sabi ni Lea sabay siya ang nagtext. “Ditto. Sana maulit ulit” reply niya kaya sumigaw ng malakas si Katrina. “Bakit ganon sagot mo? Hala baka isipin niya na I am really into him” sabi ni Katrina. “Bakit hindi ba?” tanong ni Lea. “Hmmm I am but masyado na ata mabilis” sabi ni Katrina. “Wala naman ako sinabi na mamaya or bukas. Sinabi ko lang sana maulit muli ha. Meaning you did enjoy his company too. Ito talaga ang slow mo” sabi ni Lea. “Yeah I would like that too. Siguro coincidence lang talaga, favorite character ko sa anime pula buhok niya. Palangiti din siya pero alam mo buo ngipin niya. Pero alam mo okay lang yung chipped tooth mo. Wag mo masyado problemahin yon. Mas okay nga na ganon para di sabihin pustiso ka” “Ang ganda kasi ng ngipin mo, diretso. So yung chipped tooth na yon sumira man sa porma ng ngipin mo di naman niya mababago ang ngiti mo. Kahit nga maalis pa ngipin na yon matamis parin ngiti mo e. So wag kang magpipigil ngumiti, ingiti mo lang. Di na mapapansin ngipin mo pag ngumiti ka. Pag tumawa ka, wag ka mahihiya, itawa mo lang, walang papansin sa ngipin mo kasi lahat mahuhumaling naman sa iyong ngiti e. Just saying” sabi ni Enan. Kinilig ulit yung magpinsan, “Cuz, this is a keeper” sabi ni Lea kaya napangiti si Katrina at muling binasa ang sagot ni Enan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD