Chapter 18: Normal

3695 Words
“Pare ang labo mo, sa lahat ng iimbitahin mong sasama sa iyo para sa Christmas shopping mo e ako pa. Ano naman alam ko diyan sa mga gift gifts na yan? Dapat si Clarisse nalang tinawagan mo” sabi ni Gregory. “Dude, alam mo Clarisse yung tama kasi” sabi ni Enan. “O yun naman pala e, sana siya nalang. Mahihirapan lang tayong dalawa e” sabi ni Greg. “Yun na nga ang point pare e. Alam ni Clarisse lahat, alam niya yung mga tamang ireregalo. Ayaw ko ng ganon. Gusto ko yung manggagaling talaga sa akin” sagot ni Enan. “E pano kung magkamali tayo?” tanong ni Greg. “E di maganda, para makita ko reaksyon ng parents ko kung fake smile or fake happiness. Pag ganon at least matututo ako sa susunod alam ko na ano tama. Kung si Clarisse kasama ko kasi sure ball tama e. Oo matutuwa parents ko pero parang hindi ako masaya kasi di ko naman pinaghirapan piliin” paliwanag ng binata. “Sabagay may point ka pre, so ano ba balak mo iregalo sa parents mo?” tanong ni Greg. “Ewan ko pa, kaya nga nandito ka para ikaw ang bago kong konsensya” banat ni Enan kaya nagtawanan sila. “Matagal ko narin hindi nabibilhan ng regalo mama at papa ko ah, sige nga ako din. So ikaw din konsensya ko today. Hindi nalang ako bibili nung bagong sapatos pang basketball ko” “Alam mo pare, maganda pala at natawagan mo ako. Imbes na bilhin ko yung sapatos na worth eight thousand e bilhan ko nalang regalo din mama at papa ko” sabi ni Greg. “O see that, the day is starting perfectly my friend. We are being two good sons” sabi ni Enan. “Oh the spirit of Christmas is in our hearts pare. It feels so good” landi ni Greg. “May idea ako para sa parents mo, to spice up their love life bilhan mo sila nung leather attire, tapos kadena, posas, latigo at maskara” banat ni Enan kaya nanlaki ang mga mata ni Greg. “Tarantado ka e no?” bigkas niya. “Oh come on pare, malay mo nahihiya lang sila bumili ng ganon” “Malay mo ganon pala trip nila, at least pag may nagregalo o ha. Diba? Ganon naman ang parents diba? Ayaw nila gastusan luho nila, imbes na ibili para sa luho nila they spend the money for us. So sige na meron ata shop na ganon dito” sabi ni Enan. “Sira ulo ka!” sigaw ni Greg. “Well pag mali ka at least pwede nila gamitin sa iyo yon. Pagawa nalang sila kulungan tapos pwede ka na pagkakitaan. Display ka sa labas ng bahay, trained Orang” banat ni Enan kaya naghalakhakan sila. Ilang minuto palang sa kakalibot biglang hinila ni Greg si Enan sa isang tabi. “Shhh pare wag kang kikibo” bulong niya. “Bakit pare?” tanong ni Enan. “Yung dalawang babae sa malapit kanina pa ka tinitignan” bulong ni Greg. Dahan dahan lumingon si Enan sabay nakita yung dalawang magandang dalaga. “Hayaan mo na sila pare, ganyan naman ang mga magaganda e. Wag mo nalang pansinin. Ikaw talaga parang di ka na sanay sa mga ganyan” bulong ni Enan. “No pare, I can feel this is different” sabi ni Greg. “Alam mo Greg, mamaya pag pinansin natin sila magtatawanan na sila” “Sure ako nagbubulungan sila at sinasabi gano tayo kapangit” sabi ni Enan. “Tsk, iba pare, makinig ka nga sa akin. Alam ko naman yung sinasabi mo pero yung isa pare, kanina ka pa pinagmamasdan tapos yung style ng titig niya parang yung ginagawa ng girls kay Shan” bulong ni Greg. “Oh come on men, akala mo lang yon pero sa totoo pain lang yon. Pag pinansin natin the more tayo lalaitin tapos sasabihin ang kapal ng mukha natin o kaya uto uto tayo” sabi ni Enan. “Dude di ako nagbibiro, yung naka navy blue skirt at off shoulder blouse ang panay tingin sa iyo, yung pula ang buhok” bulong ni Greg. Dahan dahan lumingon si Enan, “Aba maganda siya in fairness, simple beauty, may kulay ang buhok…” sabi niya sabay biglang napatigil pagkat sakto napatingin din sa kanya yung dalaga. Pareho silang nanigas, parehong humarap kaya si Greg biglang kinurot ni Enan. “Tol, she is blushing” bulong niya. “Walanghiya ka para kang si Clarisse kung makakurot. Shit..dude, iba nga. I mean..parang..” bigkas ni Enan. “Sabi ko sa iyo e, ganyan na ganyan sila makatingin kay Shan pare. At tignan mo, yung kasama niya gusto na umalis pero siya tignan mo pare wala naman sila rason magstay sa harapan ng shop na yan e. Dude inaantay ka ata niya” bulong ni Greg. “Please do not pollute my mind pare, hindi tayo si Shan. Baka malabo lang mata ng babaeng yan o kaya alam niya siguro kaibigan natin si Shan so balak niya tayo gawin tulay” sabi ni Enan. “Ano ka ba pare wala si Shan, ikaw talaga tinitignan niya kanina pa” sabi ni Greg. “Ows? Pare ano gagawin ko? Ano ba ginagawa ni Shan pag ganyan?” tanong ni Enan. “Eto mahirap e, wala tayo alam sa mga gwapo problems. Pansinin mo kaya pre? O kaya daan tayo” sabi ni Greg. “Wag, uy gago naman to o. Pero sure ka ako yung tinitignan, baka naman ikaw pare” sabi ni Enan. “Pare for a change nga, kalimutan nga natin na pangit tayo. Wala naman mawawala sa atin e. Pansinin mo kaya?” tanong ni Greg. “Are you kidding me?” tanong ni Enan. “O ano ba mawawala? Pag tumawa sila so sanay na tayo don diba? E malay mo iba na ito” sabi ni Greg. “Ayan wala na, naglakad na sila palayo” sabi ni Enan. “Sayang ka pre, malay mo chance na yon” sabi ni Greg. “Hindi siguro pre, tayo pa. Tara hayaan mo nalang sila. Let us continue our window shopping” sabi ni Enan. “O gago bakit tayo papunta sa kanila?” tanong ni Greg. “Try lang naman e, may nature si…basta tara pare…tsk..parang ayaw mag cooperate paa ko pero tara pre” sabi ni Enan kaya naglakad sila palapit sa mga dalaga. Tumigil ulit yung mga dalaga sa isang shop, si Enan biglang bumagal paglakad niya kaya natatawa si Greg. “Ginusto mo to, man up” bulong niya. “Atras tol..atras na” bulong ni Enan. “Walang atras atras..ginusto mo to diba? O yan dude lilingon siya..lilingon siya” bulong ni Greg. Nagkatitigan si Enan at yung magandang babae, ang binata naglakas loob ngumiti tulad ng tinuro ni Sally sa kanya. Muntik nang napatalon sa tuwa si Greg nang ngumiti din yung babae pero agad siyang humarap at namula ang kanyang mga pisngi. “Awww at least she smiled back” bulong ni Enan. “Gago ka ba? Look at her, she flicked her hair, hindi siya mapakali at parang inaantay ka na lumapit” bulong ni Greg. “Ows? Ganon ba talaga? Wala ako alam” bulong ni Enan. Tinulak ni Greg si Enan pero umikot ito at naglakad palayo. “Gago ka bakit tayo lumalayo?” tanong ni Greg. “s**t pare, di ko alam yung galaw sa mundong ganon. Oh my God, what would Shan do?” bulong ni Enan. “Dude look, lumingon siya o…ayan wala na, lumayo narin sila. Sayang ka pare” sabi ni Greg. “Teka naman kasi, di naman natin mundo yung ganon e. Ano ba naman alam ko diyan sa ganyan” sabi ni Enan. “May something na nga e, ngumiti ka, ngumiti siya, she played with her hair, inaantay ka na siguro magpakilala” sabi ni Greg. “Ganon ba yon?” tanong ni Enan. “E ano gusto mo? Siya lalapit at magpapakilala sa iyo? Sayang ka pare, maganda siya, well di naman sa level nina Violet, Cristine at Clarisse pero maganda siya” sabi ni Greg. “Tsk, well pare at least natry na natin yung mundo ng normal. I smiled, she smiled, malaking improvement na yon or we can achievement on my part” sabi ni Enan. Umakyat sila sa third floor, “Pare sa tingin mo ba she was really waiting for me to approach her?” tanong ni Enan. “I think so, kasi pare ngumiti siya, nagblush siya tapos ginanon yung buhok. Ginanon niya buhok niya o meaning interested siya. Ganon daw ata ang mga babae pag you know nagpapacute din” sabi ni Greg. “Di ko alam yon ha, baka inayos lang kasi mahaba buhok niya” sabi ni Enan. “Ewan ko, pero ikaw napansin ko nag straight body ka naman” banat ni Greg kaya nagtawanan sila. “Sayang, charge to experience nalang siguro yon” sabi ni Enan. “Ah dude speaking of…ayun sila o” bulong ni Greg. Nakita nila sa malayo yung dalawang dalaga, yung isa pumasok habang yung isa nagpaiwan sa harapan ng shop at tinitignan yung naka display doon. “Teka nga” sabi ni Enan kaya tumabi si Greg at nagulat pagkat lumapit na si Enan sa dalaga. Napatigil si Enan kaya nagmadali si Greg na humabol, “Walanghiya ka, ituloy mo na. You have nothing to lose my friend” sabi niya. “Teka Greg natatae ako e” sabi ni Enan. “Umayos ka nga, pare for a change be normal. She is waiting for you, tignan mo nga yung nakadisplay ang pangit, ano naman rason niya para titignan yung naka display na yan?” bulong ni Greg sabay tulak sa kanyang kaibigan. Naglakas loob na si Enan at tinabihan yung dalaga. Si Greg kinikilig sa malayo pagkat nakikita niya yung dalawa na panay laro sa kanyang buhok. Lumunok si Enan, sabay pa silang nagkatitigan at muling nagngitian. “Hi..I am Enan” pakilala ng binata sabay abot ng kanyang kamay. Humarap sa kanya konti yung magandang babae sabay nakipagkamayan sa kanya. “Katrina” sagot niya. Muntik ulit napatalon sa tuwa si Greg, halos hindi magbitaw ang mga kamay nila, ang dalaga muling namumula at isang kamay halos hilain na ang kanyang buhok. “Ah..you shopping?” tanong ni Enan. “No, sinasamahan ko lang pinsan ko” sagot ni Katrina. “I see” sagot ng binata na biglang tinamaan ng hiya. “How about you and your friend?” tanong ng dalaga. “Well, shopping for gifts sana” sabi ni Enan. “For your girlfriend?” tanong ni Katrina. “No, wala ako non. For my mom and dad” sagot ni Enan. “Good to know..i mean..ang bait naman” sagot ng dalaga. “Ayun e…kasi pareho kaming lalake so di ko alam ano magandang iregalo sa mom ko..so..” sabi ni Enan. “Need help?” pacute ni Katrina. “Oh..ah..baka may lakad pa kasi kayo e” sabi ni Enan. “No its okay, I can accompany you if you want” sabi ni Katrina. “ I would really like that but how about your cousin?” tanong ni Enan. “I can just text her and meet up with her later” sagot ng dalaga. “Really? Okay” sabi ni Enan at muli sila nagngitian. “How about your friend?” tanong ni Katrina. “O I can just give him hand signals and meet him later too” sabi ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Ganda ng ngiti mo” bulong ni Enan kaya lalong napangiti ang dalaga at dahan dahan tumalikod. “Tara na” sabi niya kaya sabay na sila naglakad palayo. Nilingon ni Enan si Greg sabay sumenyas. “Nice idol” bulong niya sabay nagbigay ng thumb up sign sabay sensyas na magiikot ikot nalang siya muna. Si Enan parang robot sa paglakad kaya sinubukan niya pakalmahin sarili niya at sakto tinignan siya ni Katrina. “So..ahmm..ano ba balak mo ibigay sa mom and dad mo?” tanong niya. “Di ko nga alam ano maganda…maliban sa iyo..” banat ni Enan kaya nagtakip ng bibig ang dalaga sabay nagbungisngis. “Wait, I mean hindi ikaw yung ireregalo ko…that came out the wrong way…compliment lang dapat yon” sabi ni Enan. Nakatanggap ang binata ng mahinang siko, nagkatitigan sila ni Katrina at muling nag ngitian. “Ganda ng hair mo, honestly speaking” sabi ni Enan. “It’s a bit red, just wanted to try something new” sagot ni Katrina. “Pa parlor ko kaya mommy ko?” tanong ng binata. “Good idea, spa then parlor” sabi ni Katrina. “Do you think she would like the spa thingy? Ano ba gagawin sa kanya doon?” tanong ni Enan. “Trust me she will love it” sabi ni Katrina. “Spa nalang, wag na parlor kasi baka gusto din niya pulang buhok…naiimagine ko na pag gigisingin niya ako sa umaga…baka maatake ako sa puso at isipin ko sinusundo na ako ng demonyo” banat ni Enan. Napatawa si Katrina, tumalikod siya sabay nagtakip ng mukha kaya si Enan napangiti. “Ang cute mo pala tumawa” sabi ng binata. Humarap lang si Katrina sabay nabigyan ng mahinang dampi ang tagiliran ng binata. “So my mom gets the spa, any suggestion ng regalo para sa daddy ko?” tanong ni Enan. “His and Hers spa would be nice” sabi ni Katrina. “Oo nga no, pero di kaya at the end of the day dalawa na nanay ko?” banat ni Enan kaya muling nagtakip ng bibig ang dalaga sabay tumawa. “Bakit ka nagtatakip ng bibig pag tumatawa ka?” tanong ni Enan. “Kasi po I have a chipped tooth, baka sabihin mo bungi ako” pacute ni Katrina. “Kahit naman na bungi ka madadala parin ng ganda mo yan no. You worry too much about that small tooth” sabi ni Enan kaya napangiti si Katrina. “I know a good place where they can have their spa treatment. Its just ahmm medyo mahal” sabi ni Katrina. “Okay lang kasi bihira ko naman sila bigyan ng regalo. At naisip ko maganda nga yung spa spa na yan para maka relax sila” sabi ni Enan. “My friend owns it, I can get you a discount. If you want para full treatment they can stay sa hotel doon” sabi ni Katrina. “Really? So that means magugutom ako ng isang araw” biro ni Enan kaya muling tumawa si Katrina pero bago pa niya takpan bibig niya nahawakan ni Enan ang kanyang braso. Nagkatitigan yung dalawa, ang dalaga nanigas at tinuloy ang tawa niya. “It does not look bad naman e, and sorry pala for grabbing your arm” sabi ni Enan. “Ahmmm so decided ka na ba? I can call my friend now to have their reservation” sabi ni Katrina. “Sure na ako yon ang ireregalo ko sa kanila pero not sure ako sa anong araw. Maybe I can get your number? Para tawagan nalang kita or itext siguro pag kailan?” tanong ni Enan. “Sure” sagot ni Katrina kaya naglabasan sila ng phone at nagpalitan ng number. “So ayon, okay na?” tanong ni Katrina. “Hmmm how about lunch?” tanong ni Enan. Pansamantalang nanigas si Katrina, niyuko niya ulo niya sabay muling humaplos sa kanyang buhok. “That would be great” sagot niya. “Okay, maybe you should call your cousin?” tanong ni Enan. “Tawagan ko pa?” tanong ng dalaga. “Wag na sana…I mean okay lang kung tawagin mo siya at treat ko kayo pero..” sagot ng binata. “Wag na” sabi ni Katrina kaya pareho silang humarap at nagsimulang maglakad. “How about your friend?” tanong ng dalaga. “Wag na” sabi ni Enan kaya pareho silang napangiti. Samantala sa malayo lumabas ng shop pinsan ni Katrina, nagulat si Greg nang lapitan siya nito. “They are going to have lunch” sabi ng dalaga. “Oh, oh okay thank you for informing me” sagot ni Greg. “Hey is your friend a good guy?” tanong ng dalaga. “Si Enan? Oo naman sobrang bait yon. How about your friend?” tanong ni Greg. “My cousin, yeah she is mabait too” sagot ng dalaga. “Greg pala” sabi ng binata sabay abot ng kamay niya. “Lea” sagot ng dalaga sabay nagkamayan sila. “Sorry ha pero I really have to ask, yung friend mo is he really a good guy. Just looking out for my cousin kasi first time niya magka instant na gusto sa isang guy” sabi ni Lea. Napangiti si Greg at natuwa sa kanyang narinig, “Oo naman si Enan sobrang bait na tao yan. Wag kang mag aalala safe yung pinsan mo sa kanya” sabi ni Greg. “Sabagay he looks decent, she kept texting me habang nasa shop ako at sabi niya your friend is funny” kwento ni Lea. “So aantayin mo pinsan mo?” tanong ni Greg. “Yup, we have to go home together kasi e” sagot ni Lea. “I see, tara kain tayo while waiting for them” alok ng binata. “Treat mo?” tanong ni Lea. “Oo naman, so san mo gusto mo?” tanong ni Greg. “Hmmm how about sa Jap restaurant sa first floor?” tanong ni Lea. “Okay lets go” sabi ni Greg. “Hey you have to make kwento pa about your friend ha, I really want to make sure” “Just worried kasi it’s the first time of my cousin being with a guy. I don’t want anything bad to happen to her. Di ko naman sinasabi masamang tao agad kaibigan mo pero I hope you understand” sabi ni Lea. “Oh so you don’t recognize Enan?” tanong ni Greg. “Should we recognize him?” tanong ni Lea. “Isa siyang serial killer” banat ni Greg kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Biro lang uy, seryoso di niyo kilala si Enan?” tanong ni Greg. “Bakit sino ba siya?” tanong ni Lea. “Oh so di niya kilala. Akala ko naman kaya niya pinansin si Enan kasi kilala niya” sabi ni Greg. “Ang kulit mo, sino ba yung kaibigan mo kasi?” tanong ni Lea. “Eto nalang tignan mo” sabi ni Greg sabay nilabas phone niya at pinapanood sa dalaga ang isang video. “Oh my God, he sings!” bigkas ni Lea sabay napatigil sa paglakad at talagang pinanood yung video. “Oh my God! Ang galing niya ha…hala..” sabi ni Lea. “Bakit?” tanong ni Greg. “My cousin loves to sing too, well she does not have the voice but she is musically inclined. She does play the violin” sabi ni Lea. “Wow violin” banat ni Greg. “Yup, wait if singer yung kaibigan mo that means babaero yon ano?” tanong ni Lea. “Uy hindi ha, mabait si Enan hindi siya ganon” sagot ni Greg. “Ows? Singer siya e, usually ang ganyan madaming chicks” sabi ni Lea. “Hindi naman siya singer ano, sabit lang siya diyan sa bar. Long story kasi yan e. Oo magaling siya kumanta pero naman sa itsura niya?” tanong ni Greg. “Bakit ano problema sa itsura niya?” tanong ni Lea. “Ah eh..ayan o kita naman diba?” sabi ni Greg. “Your point is?” tanong ni Lea. “Ayan nga nakikita mo naman, pano naman magiging babaero ang ganyan na itsura?” tanong ni Greg. “Niloloko mo ba ako? He has a nice voice, nice body and he is gwapo..ish” sabi ni Lea. “Really? So you mean to say that even i?” tanong ni Greg kaya tinignan siya ng dalaga. “…ish” bigkas ng dalaga kaya natawa ang binata. “Baka malabo mga mata niyong magpinsan” sabi ni Greg. “Enan looks good, kanina nga panay kurot niya sa akin, tignan ko daw yung gwapo sa malayo…di ko nagets agad actually pero yeah he does look gwapo-ish” sabi ni Lea. “Don’t worry I wont tell her he sings, para naman may surprise factor. Tara na gutom na ako. Sorry ha prangka lang ako at sana wag mo babawiin yung alok mong maglibre” pacute ni Lea. “Oo naman, I feel good because my friend met your friend. Long story so may pagkwekwentuhan tayo over lunch” sabi ni Greg. “Salamat at di ka boring kasama, pero hey..youre tall..you play ball?” tanong ni Lea. “Actually I do” sagot ni Greg. “Ayan madami tayo mapag uusapan” sabi ng dalaga. “Bakit naglalaro din ng basketball boyfriend mo?” tanong ni Greg. “Nah my ex plays soccer, ako yung naglalaro ng basketball” sabi ni Lea kaya tinignan siya ng maigi ni Greg. “Ikaw?” tanong ng binata. “Oo bakit? Varsity actually, didn’t want to say that but you forced me” sagot ng dalaga. “Wow, so even your cousin plays basketball?” tanong ni Greg. “Nope, si Katrina parang prinsesa yan na pinalaki. Mahigpit parents niya sa kanya, she only goes out pag kasama ako” “What do you expect, anak ng senador e” sabi ni Lea kaya nanlaki ang mga mata ni Greg. “So I really hope your friend is a good guy..just saying” pacute ni Lea sabay tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD