Nakatingin lamang ako do'n sa lalaking tumawag sa akin ng Only Girl, seryoso lang itong nakatingin sa akin habang naka upo sa pinakang hulihan. Magkakrus ang braso nito sa dibdib habang titig na titig sa akin.
Nawala lamang ang atensyon ko doon sa lalaking iyon nang magsalita 'yong lalaking naka akbay sa akin.
"Ano ka ba naman, Clyden, bakit only girl ang tawag mo sa kan'ya? May pangalan s'ya, huwag only girl, ampangit!" Pumait itong magsalita habang nakatingin doon sa Clyden na tinawag n'ya na tumawag sa akin ng Only Girl.
Hinawakan ko 'yong braso nung lalaking naka akbay sa akin bago iyon unti unting inalis. Napa tingin naman s'ya sa akin at s'ya na ang nag-alis nang braso n'ya sa balikat ko.
"Grabe ka naman, JC, ka bago bago palang ni Peyton ay ginaganyan mo na." Sabi naman nung isang lalaki habang hinahati 'yong papel habang nilalawayan.
Kadiri!
Mabilis naman na nagsalita si JC doon sa lalaking nagpuputol nang papel gamit ang dila.
"Hoy! Panget! Manahimik ka!" Sigaw nito dito habang nakaduro doon sa lalaki. "Winewelcome ko lang si Peyton, anong masama do'n?" Dagdag ni JC.
"Ayos lang sana 'yong winelcome mo s'ya pero ang hindi ayos ay 'yong akbayan mo s'ya. Paano kung may nobyo 'yong tao." Inosenteng sabi nung lalaking naghahati nung papel gamit laway n'ya.
Mabilis na napatingin sa akin ang lahat.
"May boypren ka?" Tanong sa akin ni JC habang salubong ang kilay.
Umiling iling ako. "W-Wala." Nagulat ako nang biglang sumigaw si JC habang pumapalakpak.
"Ayos!" Masayang sabi nito. "So, puwede ka bang landiin?" Tanong nito habang may mapang-akit na tingin. May kagat labi pa itong nalalaman.
Ngumiwi ako. "Hindi." Sabi ko dahilan para magtawanan silang lahat.
"Bakit?" Salubong ang kilay na sabi nito.
"Ayaw ko sa'yo." Diretsong sagot ko dahilan para lalo silang magtawanan. Nangunguna pa si Ni-Ki na may palakpak pang kasama.
"Iyak!"
"Hahahahaha!"
"Ang kawawang JC!"
"Panget mo raw kasi kaya ayaw sa'yo!"
Humawak si JC sa dibdib n'ya na aktong nasasaktan habang umaatras ito habang naaktong nasasaktan sa sinabi ko. Mabilis na nangunot ang noo ko.
"Grabe ka, Peyton. You hurt my heart, you know?" Sabi nito at parang maiiyak na. "Ikaw palang ang babaeng tumanggi sa akin."
"Kasi nga ayaw ko sa'yo." Sabi ko dahilan para magtawanan sila.
"Hehehehehehehe, panget mo daw kasi hehehehehe." Sabi ni Ni-Ki bago ikawit ang braso sa braso ko.
Bigla silang tumingin sa may pintuan na ikinataka ko.
"What's happening here?" Tanong nang isang baritonong boses. Walang sumagot sa kanila kaya dahan dahan akong humarap doon sa lalaki.
Gwapo. Matcho. Mabango. Halatang umiigting ang panga. Makapal ang kilay. Mukhang masungit. Reddis lips. Pointed nose. Walang pimples. Matangkad. Mukhang model.
Mine! Charot!
Mabilis na nagsalubong ang kilay nito ng makita ako. "Who are you?" Tanong nito. Hindi ako nakasagot dahil mukhang galit ang kaharap ko.
Si Ni-Ki na ang sumagot sa akin.
"S'ya si Peyton Royce, ang Only Girl natin, hehehehehe." Sabi nito habang ngiting ngiti ang loko.
Lalong nagsalubong ang kilay nito at nilingon 'yong lalaking naka upo sa hulihan na tinawag ni JC na Clyden.
"Clyden?"
"Tsk! I'll talk to you later." Masungit na sabi nito. Nang magtama ang paningin namin nung Clyden ay tinaasan ako nito ng kilay bago irapan.
Luh? Inaano naman 'yon?
Hindi ko na lamang iyon pinansin at napatingin ako do'n sa lalaking bagong dating, naglakad ito papunta doon sa puwesto ni Clyden at umupo sa tabi nito.
Napaiwas nalang ako ng tingin dahil parehong seryoso ng tingin nung dalawa sa akin.
Napatingin ako kay Ni-Ki nung hilahin na n'ya ako. Sumunod naman sa amin si JC.
"Hindi mo talaga ako bet, Peyton? Puwede mo 'kong landiin anytime." Sabi ni JC bago umupo sa may kaliwa ko, nasa kanan ko naman si Ni-Ki na naka pangalumbaba hanang ngiting ngiti na nakatingin sa akin.
Puno ng wirdo ang silid na 'to.
"Ayaw ko nga sa'yo." Sabi ko bago puyudan ang buhok ko sa messy bun. Ngumuso ito.
"Bakit ba kasi ayaw mo sa'kin?" Nakanguso nitong sabi. Parang bata.
"Kasi malandi ka." Sabi ko dahilan para magtawanan ang iba pa naming kasama sa silid.
"Bars!"
"Buwahahahahahahaha!"
"Malandi ka JC!"
Sinamaan sila ni JC ng tingin pero lalo lang silang nagtawanan. Pumangalumbaba si JC bago ako titigan, tumaas ang kilay.
"Eh, kung seseryosohin kita?" Biglang natahimik ang lahat ng magsalita si JC. Lalong tumaas ang kilay ko. "Payag kaba?" Tanong nito. Ramdam ko ang tingin sa akin ng lahat maging 'yong dalawa sa likudan.
"Hindi." Sagot ko bago iwasan ang tingin nito. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ni-ki sa gilid ko.
"Bakit na naman?" Tanong na naman ni JC bago ngumuso.
"Kasi ayaw ko parin sa'yo." Diretsong sagot ko dahilan para humalakhak sila at nangunguna pa si Ni-ki na may mapang-asar na tawa habang nakaturo kay JC na ngayon ay nakabusangot na.
Natigil lang ang lahat nang pumasok ang isang lalaki na late 30's. Pero guwapo, medyo malaki ito, naka salamin, at mukhang palangiti.
"Andyan na si Bryle." Bulong sa akin ni Ni-ki pero tumango na lamang ako.
Napatigil ito sa paglalakad at napangiti ng makita ako ni Bryle-- sir Bryle.
"Oh, andito kana pala Peyton," sabi nito dahilan para tipid akong ngumiti dahil nahihiya pa ako. "Inaway kaba nila?" Tanong nito na nakapag pakunot sa aking noo.
Dahan dahan akong umiling habang nakakunot ang aking sa pagtataka.
Bakit naman nila ako aawayin?
Ngumiti ito sa amin bago tumango tumango. "Mabuti naman," nakangiti parin nitong ani. Bumaling s'ya sa may likudan. "Oh?! Jared, bumalik kana pala." Sabi ni sir Bryle dahilan para pumaling ang ulo ko sa may likudan.
"Si Jared, 'yong dumating kanina." Dinig kong bulong sa akin ni Ni-ki. Hinarap ko si Ni-ki.
"Jared?" Tumango ito. "Mabait ang pangalan n'ya pero 'yong mukha n'ya ay masungit. Pinaglihi yata sa sama ng loob." Kunot noong sabi ko dahilan para matawa si Ni-ki at JC na mukhang nakikinig sa amin.
"Mabait talaga 'yan si Jared, mukhang nagulat lang na may babae dito sa classroom kaya siguro nagsungit," Sabi naman ni JC. "Type mo ba si Jared, kaya ayaw mo sa'kin?" Tanong ni JC.
"Huh! Hindi ah." Mabilis kong tanggi.
"Eh, si Clyden?" Tanong naman ni Ni-ki, napabaling ako sa kan'ya. "Type mo?"
"Sinong Clyden?" Maang- maangan kong sabi.
"Iyong kalapit ni Jared na nagsabi ng only girl sa'yo." Umiling iling na naman ako.
"Hindi ko rin s'ya type." Sabi ko.
"Kailan kapa naka balik?" Napa balik ang tingin ko kay sir Bryle nang tanungin n'ya si Jared.
"Kahapon lang." Tipid na sagot Jared.
Umiling iling si sir Bryle. "Sa susunod kasi, kung makikipag away kayo, siguraduhin n'yong hindi kayo mabubugbog." Nakangising sabi ni sir Bryle.
"Shut up, Bryle." May inis sa boses ni Jared.
"Tsk tsk tsk, Jared Ace Mendoza." Naiiling na sabi ni sir Bryle.
Mukhang magaling din mang-asar si Sir Bryle ah.
"Ikaw naman Clyden," napunta ang paningin ko kay Clyden na salubong ang kilay. Bumalil ang tingin ko kay sir Bryle.
"Bantayan n'yong mabuti si Peyton." nangunot ang aking noo.
Ha?
"Baka madamay 'yan sa mga g**o n'yo. Mahirap na at mainit kayo ngayon sa mga mata ng mga nakaaway n'yo." Naiiling na sabi sir Bryle.
Hano daw?
"Tsk! Why would i?" May halong inis sa boses ni Clyden.
Pinaglihi sa sama ng loob si Clyden at Jared pero mas malala ang ugali ni Clyden.
"Anong section ba ito?"
"Possessive." Sagot ng lahat maliban lang sa akin, Jared at kay Clyden na mukhang nang-iinis.
Mabilis na nangunot ang noo ko. Possessive?
"Edi bantayan n'yo 'yang si Peyton, malay n'yo madamay 'yan sa mga kalokohan n'yo at 'yan pa ang gamitin laban sa inyo."
Seryoso talaga sila? Dito pa talaga sila nag-uusap kung saan puwede ko silang madinig.
Natahimik naman silang lahat at mukhang pinakikiramdaman ang isa't isa.
Tapos na ang klase namin at break time na. Mag-isa lang akong kumakin sa table ko ng may biglang naglapag nang dalawang tray sa harapan ko. Pagtingin ko ay si JC at Ni-ki pala iyon.
"Samahan kana namin." Nakangiting sabi ni JC bago ako kindatan. Napangiwi naman ako habang naiiling.
"S-Sige." Sabi ko bago tahimik na kumain.
Habang kumakain kami ay biglang napa tigil sa pagsubo sina Ni-ki at JC habang gulat na nakatingin sa likudan ko.
May naramdaman akong malamig na bagay ang nasa tuktok ng aking ulo hanggang sa bumaba ng bumaba iyon sa uniform ko at doon ko lang napagtanto na may nagtapon sa akin ng manggo shake.
"O my god! Akala ko basurahan." Isang maarteng boses ang aking nadinig sa aking likudan bago ito tumawa.
"Hoy, Amanda. Tigilan n'yo nga si Peyton. Hindi naman kayo inaano nung tao ah!" Salubong ang kilay ni JC nang sabihin n'ya iyon.
Nasa amin ang atensyon ng lahat naging ng possessive section.
"So, her name is Peyton, huh. What a weird name." Maarteng sabi ni Amanda.
"Hoy, panget! Manahimik ka nga, panget panget mo na nga eh!" Sabi naman ni Ni-ki. Tahimik lamang akong nakatitig sa aking pagkain.
"Ako? Panget? Ha! Baka mas magand pa ako sa tranferee n'yo." Pagmamayabang ni Amanda.
"Baka ma shock ka kapag nakita mo si Peyton." May pagmamayabang sa boses ni JC.
Anak ng--!
"Well, let see." Naramdaman ko na nasa gilid kona si Amanda. Unti unti ko itong tiningala. Matagal itong napatitig sa akin bago mahinang natawa. "Eto? Mas maganda sa akin? Duh! Ang pangit n'ya kaya."
Tumayo ako at pinantayan s'ya. Ngumisi ako.
"Tanggap ko sana na masabihan akong pangit pero 'wag naman sana sa mas panget sa akin."