Inis akong umalis sa cafeteria dahil kailangan ko pang magpalit ng uniform.
Bwisit! Bwisit! Bwisit!
Dumiretso ako sa cubicle para magpalit nang white shirt, mabuti nalang at may baon ako kundi ay baka umuwi ako.
Lumabas ako sa cubicle at hinarap ang sarili sa salamin. Inutuon ko ang aking kamay sa sink bago unti unting kumurba ang aking labi sa isang nakakalokong ngiti.
My b***h mode is awaken...
Kinuha kona ang gamit ko at lumabas pero agad akong napaatras sa biglaan kong paglabas ng makita ko sa harap ng pintuan si Jared.
"Anong ginagawa mo dito?" Mabilis kong tanong. Bumaba ang tingin ko sa hawak n'yang paper bag. "Ano 'yan?" Tanong ko ng hindi inaalis ang paningin sa hawak.
"Here," itinaas n'ya ang paper bag hanggang sa aking mukha. "Huwag kang magsusuot ng shirt dahil bumabakat ang b*a mo." Sabi n'ya ng hindi makatingin sa akin, napansin ko pa na namumula ang pisngi nito at palunok lunok pa.
Unti unting bumaba ang sa dibdib ko ang aking paningin, mabilis kong kinuha sa kan'ya 'yung paper bag bago dali daling sinarado ang pinto.
Syete! Bakat na bakat ang itim kong b*a!
Malalim ang aking paghinga habang nakasandal sa pintuan. Tinignan ko ang laman ng bag, uniform, pambabae na uniform.
Ngumiti ako. Mabait din pala ang loko ang loko na 'yon.
Pumasok na ako sa cubicle at nagpalit, napangiti pa nga ako ng sumakto ang uniform sa akin, pero agad din akong napatigil.
Kanino kaya 'to?
Inayos ko muna ang sarili ko bago muling buksan ang pinto. Naabutan ko s'yang nakasandal sa pader habang naka pikit at naka pasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.
Parang model! Ahihihihihi.
"Ehemmm!" Nagpeke ako ng ubo dahil hindi n'ya pa yata napapansin ang presensya ko. Mabilis naman s'yang nagmulat at tumingin sa akin. Umayos na s'ya nang tayo bago lumapit sa akin.
"You done?" Tanong nito.
Pilit akong ngumiti bago tumango. "Oo, salamat." Hindi na ito nagsalita at nilagpasan na lang ako. Sinundan ko ito ng tingin bago mapangiti. "Sungit." Sabi ko bago ito sundan.
Walang nagsasalita sa amin hanggang s'ya na ang unang bumasag ng katahimikan na namamayani sa aming dalawa.
"Who are you?" Tanong nito ng hindi ako nililingon.
"Peyton Royce." Mabilis kong sagot habang naka kunot ang noo at nagtataka.
"What are you doing here?" Seryoso pa rin na tanong nito. Nilingon ko ito nang may pagtataka.
Gago ba s'ya.
"Naglalakad, kasama ka." Nakita ko kung paano mangunot ang noo nito pero hindi ako nilingon.
"I mean, in our section." Parang naubos na ang kan'yang pasensya.
"Nag-aaral. Ano bang ginagawa sa class room." Sagot ko habang naka tingin sa may corridor.
Naramdaman ko na nilingon ako nito kaya nilingon ko ito. Ngumiti ako sa kan'ya nang makita ko ang talim ng tingin nito sa akin.
"Sinagot ko lang ang tanong mo, 'wag ka magalit hehehehe." Sabi ko bago mag peace sign sa kan'ya at ngumiti ng todo. 'Yung ngiti na labas ang gilagid.
Inismidan n'ya ako. "Whatever." Sabi n'ya at nagpaunang maglakad.
"Hoy! Teka sandali! Hinatayin mo'ko!" Sigaw ko sa kan'ya ng iwanan n'ya ako. Dahil mahaba ang kan'yang binti at mabilis maglakad ay kailangan ko pa s'yang takbuhin para maabutan. "Magkapatid ba kayo nung Clyden?" Tanong ko sa kan'ya.
Mabilis na nagsalubong ang kan'yang kilay bago ako lingunin. "What?"
"Kasi parehas kayong masungit, hindi ko naman kayo inaano pero sinusungitan n'yo 'ko. Lalo na si Clyden, umiirap pa sa akin," nilingon ko si Jared na naka tingin pa rin sa akin habang salubong ang kilay.
"Bakla ba 'yon?" Inosenteng tanong ko.
Bigla biglang ngumiti si Jared dahilan para mapangiti ako.
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya mahina din akong napa ngiti.
"He's not gay, actually he's the hottest among us." Sabi nito.
"Paanong hot?" Kunot noong tanong ko. "Parang hotdog?" Tanong ko na naka pagpangiti sa kan'ya habang naiiling.
"Bakla ka ba?" Tanong ko dahilan para tumigil s'ya sa paglalakad at tumingin sa akin.
Hinarap n'ya ako kaya napangiwi ako.
Nagalit ko yata si Jared.
"Hehehehe, biro lang." Sabi ko pero naka titig lang ito sa akin. Nagulat ako nang humakbang ito palapit sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Umatras ako.
Kumabog ang dibdib ko ng maramdaman ko ang pader sa aking likudan. Ang lapit sa akin ni Jared dahilan para kabahan ako.
Lalo naman kumabog ang dibdib ko nang ibaba n'ya ang mukha sa akin, ramdam ko ang pagtama ng hininga n'ya sa mukha ko.
Ang bango!
Itinukod n'ya ang kamay sa magkabilang gilid ko dahilan para pigilan ko ang aking paghinga, naka yuko lang ako habang s'ya naman ay lalong ibinaba ang mukha sa akin.
Huwag kang hihinga!
"Do you want me to kiss you?" Husky na tanong nito. Mabilis na nanlaki ang aking mata.
"H-Hindi, nagtatanong lang n-naman a-ako ah!" Dipensa ko habang kabang kaba.
"Really, huh?" Ramdam ko ang pagngisi nito.
"O-Oo! T-Tinatanong---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ko nang lalo n'yang ibinaba ang kan'yang mukha hanggang sa may maramdaman akong malambot na bagay ang dumampi sa aking labi.
Biglang nanlaki ang aking mata ng marealize ko na hinalikan ako ni Jared!
Kitang kita ko ang nakapikit nitong mata habang magkalapat ang aming labi.
Hindi ko s'ya maitulak dahil sa gulat. Ninakaw ni Jared! Ang first kiss ko! 'Yung first kiss ko!
Unti unti n'yang inilayo ang labi sa akin hanggang sa idinilat na n'ya ang kan'yang mata. Mabilis na nagtama ang aming paningin.
Ngumisi ito.
"That's the proof that i'm not a gay," Nagulat muli ako nang ibinaba na naman n'ya ang mukha n'ya sa akin at nagsalita.
"Try asking again if I'm gay and I'll kiss you again." Sabi n'ya bago ngumisi, nagulat na naman ako nang mabilis n'yang halikan ang labi ko bago matunog na ngumisi at talikudan ako bago maglakad palayo.
Nang mawala s'ya sa aking paningin ay biglang nanlambot ang aking tuhod at napa upo sa sahig ng wala sa oras.
"'Y-Yung first at s-second kiss k-ko. W-Wala na." Tulala kong sabi bago ngumawa. "Huwaaaa! 'Yung first at second kiss ko! Nawala na! Ang gusto ko pa naman ay romantic na kiss! Pero nauwi sa nakawan na halik! Huwaaaa!" Atungal ko.
Pero infairness ang lambot ng labi n'ya.
"Hey you, b***h!" Papunta na sana ako sa aking upuan ng may marinig akong tumawag sa akin mula sa labas.
Bitch daw eh! Edi ako 'yun!
Pagharap ko ay ang nanlilisik na mata ni Amanda ang aking nabungaran, sa likudan n'ya ay may dalawa s'yang kasama.
"You!" Turo n'ya sa akin. Tumaas ang kilay ko.
"You too." Sabi ko.
"How dare you!" Sigaw na naman n'ya sa akin. Bumusangot ako.
"How dare you too." Panggagaya ko sa kan'ya. Nakita ko kung paano namula ang kan'yang mukha at kumuyom ang kan'yang kamao.
"Ginagago mo ba ako!?" Galit na galit na sigaw nito sa akin. Napa takip pa nang tenga ang ibang abnormal.
Nagkibit balikat ako. "Sort of?" Kunot noong sabi ko.
Suminghal muna si Amanda bago tuluyang pumasok sa class room at hinarap ako.
"You!" Dinuro duro n'ya ang balikat ko.
Nangunot ang noo ko.
Mainis nga hehehe.
"Ikaw?" Kunot noong tanong ko.
"Nakaka inis ka!"
"Naiinis ka sa'kin kasi ngayon ka lang naka kita ng babaeng mas maganda sa'yo." Sabi ko bago ngumisi. Nagulat pa nga ako ng mag-ingay ang mga abnormal.
"Ohhhhhhh!"
"Peyton the Payton!"
"Peyton ako, oh!"
"Pustahan!"
"What?! Mas maganda ka sa'kin?!" Nandidiring tanong nito.
"Oo," sabi ko. "Kaya nga sabi sa'kin nang boyfriend mo kanina kung puwede daw akong jowain,eh. Nakakasawa ka daw kasi." Biglang nanlaki ang kan'yang mata.
Bored ko itong tinignan.
"You s**t!"
"Oh? Ba't ka galit?" Kunwaring gulat kong tanong. "Kabit ka lang naman 'diba?" Sabi ko.
Nang akmang sasampalin na n'ya ako ay bigla akong nagsalita.
"Huwag mo 'kong uumpisahan, Amanda. Sinasabi ko sa'yo, hindi maganda ang mangyayari sa'yo." Seryosong pananakot ko dito.
Dinuro n'ya ang mukha ko. "Hindi pa tayo, tapos! Babalikan kita." Nanggigigil na sabi nito. "Humanda ka!"
Nagsalita ako.
"Lakas mong magbanta, eh, kapit tropa ka lang naman." Bored kong sabi. Malakas na tumawa si JC at Ni-ki.
"Wa ha ha ha ha ha ha ha ha!" Nang iinis ang tawa nilang dalawa. "Kapit tropa ka pala Amanda, eh. Wa ha ha ha ha ha ha!" Tawa uli nila. Maging ang ibang abnormal ay nakitawa na rin dahil mas nakaka tawa pa 'yung tawa nung dalawa.
Hinarap silang dalawa ni Amanda. "Hindi ako kapit tropa!" Galit na sigaw sa kanila ni Amanda pero tumawa lang silang dalawa.
"Wa ha ha ha ha ha ha ha!" Tawa ni JC. Napa tawa na rin ako.
"Ba't ka galit?" Tanong naman ni Ni-ki. Nagkatinginan 'yung dalawa bago ngumiti sa isa't isa at sabay na bumaling kay Amanda na ngayon ay namumula na talaga.
"Yamete kudasai!" Sabay na sabi nung dalawa.