Nandito kami ngayon sa gymnasium ng school para sa P.E class namin. Nauna akong pumunta dito kaya mag-isa lang ako. Pinauna na kasi ako ng mga kasama ko dahil nagpapalit pa sila.
Mag-isa akong nakaupo sa bleacher habang umiinom ng tubig ng bigla akong matamaan ng bola ng mga naglalaro ng volley ball. Mabilis na natapon ang iniinom kong tubig at pumasok naman sa ilong ko ang ibang tubig habang ang noo ko naman ay sumakit marahil ay dahil sa pagtama ng bola.
Mabilis na natahimik ang lahat.
"Nako! Miss, sorry akala ko kasi net." Sarkatiskong sabi nung isang babae bago tumawa. Nakitawa naman ang lahat sa kan'ya. Nakita ko sa kabilang bleacher si Amanda. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin.
Bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko.
"Okay ka lang ba, Miss?" Nakangisi nitong tanong.
Tumayo ako at hinarap 'yung babae. Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
"Oo, ayos lang ako. Ikaw? Ayos ka lang ba?" Sarkatisko kong tanong na nakapag pakunot ng malapad n'yang noo.
"What? What do you mean. I don't understand you."
"Mukhang kailangan mo nang magpatingin sa veterinarian. Lumalala na kasi ang kamandag mo." Sabi ko dahilan para magtawanan na naman ang mga nanonood sa amin.
"How dare you." Akmang sasampalin n'ya ako ng may tumamang matigas na bagay sa mukha ko.
Pagtingin ko ay bola. Bola ng basket ball.
Napaatras ako dahil sa hilo. Iniling iling ko ang ulo ko para mawala ang pagkahilo pero nagiging dalawa 'yung babae sa paningin ko.
May lalaking tumatakbo palapit sa gawi namin. Tumigil ito sa tabi nung babaeng kaaway ko at inakbayan ito habang nakangisi.
"Pasensya na, Miss. Walang sino man ang puwedeng manglait sa girlfriend ko dahil ako ang makakalaban." Hinalikan nito ang labi ng girlfriend bago magpatuloy. "Example pa lang 'yan sa mangyayari sa 'yo kung ipagpapatuloy mo pa ang ginagawa mo."
Napahawak ako sa ilong ko ng maramdaman ko na basa iyon. Pagtingin ko ay dumudugo ang ilong ko. Lalo naman silang nagtawanan. Napaupo na ako sa sahig dahil sa sobrang pagkahilo. Pakiramdam ko ay babagsak na ako ano mang oras.
"Ano? Kakalabanin mo pa ako?" Mayabang na tanong nung babae bago maglakad palapit sa akin at tumigil sa harapan ko.
Tiningala ko ito.
"Mayabang ka lang dahil may kasama ka."
Sabi ko na nakapag pawala ng ngiti n'ya.
Bumaba s'ya at malakas akong sinampal.
Mabilis na napuno nang hiyawan ang buong gymnasium. Enjoy na enjoy sila sa panood sa amin na para bang isa kami sa teleserye.
"Mayabang talaga ako."
"Buti inamin mo. Tanga." Sabi ko. Mabilis na nagsalita ang boyfriend nito.
"Hoy! Sinabi ko naman sa 'yo na ayusin mo ang pakikipag usap sa girlfriend ko dahil ako ang makakalaban mo."
"Pakialam ko sa 'yong tangina mo." Sabi ko dahilan para magtawanan ang lahat lahat ng nanonood sa amin.
Nakita kung paano ito manggalaiti sa galit.
Bumaling ito ito sa mga ka-Team n'ya sa basket ball.
"Hoy! Kunin n'yo nga 'tong babaeng 'to! Tuturuan lang natin ng leksyon." Utos nito. Mabilis na kumilos ang mga kasama nito at lumapit sa akin bago hawakan ang magkabilang braso ko para itayo.
Hindi na ako pumalag dahil wala rin naman akong kawala sa kanila.
Kainis!
Nang ibalik ko ang tingin sa dalawa ay may hawak ng bolang pang volley ball ang babae at pang basket ball naman sa lalaki na malaki ang ngisi sa akin ngayon.
"Sinasabi ko naman sa 'yo, Miss, na bawal ang inaapi ang girlfriend ko dahil ako ang makakalaban mo. Pero ano ang ginawa mo? Sumagot ka pa at ininsulto mo pa ako. Binigyan na kita ng pagkakataon pero sinayang mo." Mayabang nitong sabi binabato sa ere ang bola n'ya hawak n'ya.
"Pakialam ko? Ang yabang yabang mo ang pangit mo naman." Sabi ko.
"What the hell, babe! Look! She's insulting you!"
"Manahimik ka nga d'yang babaeng malapad ang noo. Ang ingay ingay mo ang laki naman ng bunganga mo."
Nanlaki ang mata nilang dalawa sa sinabi ko at lalong lumakas ang tawanan sa loob ng gymnasium.
"Hawakan n'yong mabuti 'yang babae! Ipaaalam natin na mali ang binabangga n'ya!" Sabi nung lalaki.
Bumwelo ito at umatras bago ibato sa akin ang hawak n'yang bola. Pumikit na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa.
Una akong natamaan sa sikmura bago sa dibdib. Leeg. Binti. Pero ang malala ay sa mukha dahilan para lalong dumugo ang ilong ko. Lalo rin akong nahilo dahil natamaan na naman ako sa mukha.
"MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE! MORE!"
Sigawan ng mga tao dito sa loob. Grabe! Parang hindi na sila naawa sa akin. Mas gusto pa nilang nakakakita ng taong nasasaktan para lang sa ikasasaya nila.
How selfish they are.
Muli akong pumikit ng muling bumwelo 'yung lalaki. Pero ilang segundo na ay wala pang bola ang tumatama sa katawan ko kaya unti unti akong nagdilat. Pansin ko rin ang biglaang pananahimik ng lahat.
Unang bumungad sa akin ang isang malapad na likod na sa tingin ko ay galing mula sa isang lalaki. Nang inangat ko ang ulo ko ay si Clyden agad ang nabungaran ko. Hindi ko man makita ang mukha n'ya at nasisiguro ko na si Clyden ito. Nakaharang ito sa unahan ko na animo'y pinoprotektahan ako nito.
"Who the f**k are to hurt our only girl?" Seryosong tanong nito. "Do you have any permision from us?" Dagdag pa nito.
"Bakit? Sino ka ba para manghingi kami ng permiso sa 'yo kung sasaktan namin ang babaeng 'yan o hindi?" Dinig kong tanong nung lalaki na kaaway ko. "May permiso man o wala, sasaktan namin ang babaeng 'yan kung kailan namin gusto." Dagdag nito.
"You don't really know who I am when I get mad. So, you have a time to think twice if you are going to hurt her again. Or else I will bery you alive in a pit." Seryosong sabi nito dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko at lalong manahimik ang buong paligid. Napalunok ako.
Why naman ibabaon ng buhay sa hukay?
"To all students here inside the gymnasium
, try to hurt the girl at my back and I will burn you alive." Sabi nito. "Now, all of you. Leave." Maawtoridad na sabi nito. Wala pang isang minuto ay kaming dalawa na lang ni Clyden ang natira sa loob ng gymnasium.
Napa upo ako sa sahig dahil sa matinding pagkahilo. Napahawak na rin ako sa ulo ko.
Nakita ko na humarap sa akin ang sapatos ni Clyden dahil para umangat ang tingin ko sa kan'ya. Seryoso lamang itong naka tingin sa akin habang nakayuko.
Umupo ito sa harapan ko para pantayan ako. Naglabas ito ng panyo at iniabot sa akin pero hindi ko kinuha iyon. Nakatitig lamang ako sa kan'ya.
Nang hindi ko iyon kinuha ay bumuntong hininga ito bago ilapit sa akin ang panyo at s'ya na mismo ang nagpunas no'n. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya hinawakan ko ang kamay nito para patigil s'ya. Napatingin s'ya doon.
"A-Ako na." Sabi ko bago kuhanin ang pan'yo sa kan'yang kamay at ako na mismo ang nagpunas sa ilong ko.
Bumuntong hininga ito bago tumayo at talikudan ako.
"Stand up and follow me." Sabi nito ng hindi ako nililingon at nagpaunang maglakad.
Hindi ako tumayo at sumunod sa kan'ya dahil hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako. Baka kapag tumayo ako ay matumba lang uli ako.
Mags-stay muna ako dito ng ilang minuto pa at susunod na lang ako.
Mukhang nakaramdam yata si Clyden na hindi ako sumusunod sa kan'ya kaya tumigil ito sa paglalakad at nilingon ako.
"I said let's go."
"Mauna ka na. Susunod na lang ako. Nahihilo pa 'ko." Sabi ko bago hawakan ang ulo ko.
Matagal itong nakatitig sa akin bago maglakad papalapit sa akin. Lumapit ito sa bleacher kung saan nando'n ang mga gamit ko bago iyon kuhanin at isakbit sa balikat n'ya. Agad akong nagtaka.
Lumapit naman ito sa akin. Umupo ito sa harapan ko habang nakatalikod. Taka ko naman s'yang tinignan.
"Ride." Mabilis na nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"I said ride at my back." Naiinis nitong usal.
"B-Bakit?"
"You can't walk, right? That's why I'm offering you for piggy back ride."
"M-Mabigat ako." Nahihiya kong sabi. Narinig ko na mahina itong nagmura.
"I don't care."
"Iwanan mo na lang ako dito. Kaya ko naman. Magpapahinga lang ako saglit." Sabi ko.
"If I'll leave here alone. They might be get back here if they know you'll stay here alone and without me. So, they have chances to beat you again like they what did earlier." Mahabang sabi nito. May point naman s'ya sa sinasabi n'ya kaya lang nahihiya talaga ako. Hindi sa nagpapabebe ako o ano, ano 'yo? Kaaway mo tapos lagi mong kairapan at ang mangyayari ay tutulungan n'ya ka n'ya at pagbabantaan ang mga taong nanakit sa akin.
"Faster. I'm starving." Naiinip nitong sabi.
"S-Sige." Sabi ko bago umayos ng upo at sumakay sa likod n'ya, pinulupot ko naman ang braso ko sa leeg n'ya pero hindi naman s'ya masasakal. Bumwelo muna s'ya bago tumayo.
Sabi ng haba ang bigat ko, eh.
Habang nakapasan ako sa kan'ya ay unti unti kong ipinatong ang aking ulo sa balikat n'ya dahil unti unti na akong nakaramdam ng antok.
Bago magsara ang mata ko ay nakita ko ang pagngiti ni Clyden bago ako tuluyang pumikit hanggang sa makatulog na ako.