Chapter 4

1547 Words
Nagising na lamang ako ng may marinig akong parang nagtalo. Unang mulat pa lang nang mata ko ay medyo malabo ito, pero nung muli ko itong imulat ay maayos na. Nagising na lamang ako ng may marinig akong parang nagtalo. Unang mulat pa lang nang mata ko ay medyo malabo ito, pero nung muli ko itong imulat ay maayos na. Kaagad na bumungad sa akin ang mga kaibigan ko. Mabilis akong napabangon nang makita ko si Zaina na nakahalukipkip habang nakatingin sa dalawa kong kaibigan na nagtatalo. Shit! Bakit sila nandito? Napatingin ako sa hinigaan ko. Folding bed? Na may kumot at unan. Pagtingin ko ay nasa class room ako. "Dapat nga kasi turuan ng leksyon ang mga may gawa sa kan'ya n'yan!" Sabi ni Pheobe habang nakaturo sa akin ngunit ang paningin ay na kay Paige. "Huy! Maghunos dili ka nga! Sa dami ng mga taong nandoon, sa tingin mo makikilala n'ya lahat 'yon? Andami kaya no'n." "Eh, ano naman? Sigurado naman ako na maalala lahat ni Peyton ang mga 'yun! Alam mo naman na magaling s'ya sa pangangabisado ng mga mukha." "Alam mo, Pheobe? Hindi porket trouble maker ka ay kaya mo nang gawin ang lahat. Kababaing tao ang hilig sa away." May inis sa tono na sabi ni Paige. Umalis mula sa pagkakasandal si Pheobe sa pader bago tanggalin sa kan'yang bibig ang kulay grapes na lollipop. "Palibhasa kasi takot sa mga nakakaaway mo kaya ka ganiyan." Mabilis na tumaas ang kilay ni Paige. "Hoy, Pheobe. Para sabihin ko sa 'yo hindi ako natatakot sa mga kaaway ko. Ang pinupunto ko lang naman ay ayoko ng away. Kaya lang naman gusto mong makabawi sa nanakit kay Peyton ay dahil kating kati na ang kamay mo na manapak. Kababae mong tao ang hilig mo sa away." Bigla na lang pumagit sa kanila si Preylla dahil nagsusugudan na 'yong dalawa. Aawat sana ako nang may pumigil sa akin. Pagtingin ko ay si Zaina iyon. Seryoso itong nakatingin sa akin bago umiling at parang sinasabi na 'wag akong makialam. Bumuntong hininga ito bago tumayo at lumapit doon sa dalawa na nagsisigawan na ngayon. "Tama na 'yan." Kalmado ngunit maawtoridad na suway ni Zaina. Mabilis na tumahimik ang dalawa pero hindi pa rin nawawala ang matatalim nilang tingin sa isa't isa. Napapailing naman si Preylla bago bumalik mula sa pagkakaupo. "Tama na 'yang masasamang tingin. Mas mabuti na makapag pahinga muna si Peyton bago kayo magtanong nang magtanong. At isa pa, dito pa talaga kayo nag-away sa harap ng mga kaklase n'ya." Mabilis akong napatingin sa may likudan ko at doon ko nakita ang buong Possessive Section na nakangangang nakatingin sa kanilang apat. Maliban lang kay Clyden at Jared. "Siya kasi!" Sabay na sabi nung dalawa bago ituro ang isa't isa. Sabay na nangunot ang noo nilang dalawa bago muling magsalita. "Anong ako?! Ikaw!" Sabay na dagdag nito. Lumaki ang mata nila. "Ginagaya mo ba ako? Ikaw ang nanggagaya hindi ako!" "Tama na!" May inis sa boses ni Zaina nang suwayin niya ang dalawa. "Para kayong bata. Ang lalaki niyo na, nag-aaway pa kayo." Dagdag pa nito. Hindi na sumagot iyong dalawa pero matatalim pa rin ang tingin nila sa isa't isa. Humarap sa akin si Zaina. "By the way, sinong nanakit sa 'yo? Ako na ang sasapak!" Sabi nito na ikinaawang ng bibig naming lahat. What the hell, Zaina! "Teka, Zaina! Sa akin mo na ipaubaya ang mga nanakit kay Peyton." Sabi ni Pheobe bago muling magbalat ng lollipop. Nginisian siya ni Zaina bago magsalita. "Tayong dalawa. Para masaya." Walangya! "Aba, teka. Sama ako diyan." Sabi ni Paige dahilan para magsalita rin si Preylla. "Ako? Hindi niyo isasama? Aba! Hindi pupuwede. Laban ng isa, laban ng lahat." Nagkatitigan 'yong apat bago ngumisi sa isa't isa habang may makahulugan na tingin. Childish Friends! "Ehem!" Napatingin kami kay Clyden nang magpeke ito ng ubo. Tumayo ito bago maglakad papalapit kay Zaina. May gusto ba siya kay Zaina? "Leave it to us," Sabi nito dahilan para mapakurap kurap ako. Anak ng--. "And why would I?" Taas kilay na tanong ni Zaina bago pagkrus-in ang braso. "May atraso rin sila sa amin. Isasabay na lang namin." "Hindi puwede! Kami ang nauna kaya kami ang uupak!" Sabi ni Pheobe dahilan para mahinang tumawa si Preylla. Ngumiwi ako. "We need to protect her because she's the only girl. We can be her body guard at all time." Sabi nito dahilan para umawang ang bibig naming apat maliban kay Zaina na seryosong nakatingin kay Clyden. Jusko! Dahan dahan sa pagtitig! Baka ma in love! Unti unting napunta sa akin ang paningin ni Zaina bago ibalik kay Clyden hanggang sa nagpabalik balik sa aming dalawa ni Clyden ang tingin nito. Ano na naman kaya ang iniisip nito. Muling ibinalik sa akin ni Zaina ang tingin ngunit hindi na napunta iyon kay Clyden. Isang nakakalokong ngiti ang kumurba sa labi nito. "Sige." Sabi nito dahilan para mabilis na kumontro si Pheobe. "Huwat?! Zaina! Kasasabi mo lang 'di ba?! Na tayo ang uupak doon! Bakit sila na?" Masama siyang tinignan ni Zaina. "Huwag mo akong sigawan, sasampalin kita." Pagbabanta nito dahilan para mahinang matawa sina Paige at Pheobe. Umirap si Pheobe bago maglakad papunta sa isang sulok habang nabulong bulong. Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi nakakasapak. Napatingin ako kay JC nang tumayo ito at naglakad papalapit kay Pheobe. Nang makalapait ito ay agad niyang inilahad ang kamay. Tumaas ang kilay ni Pheobe. Mananapak na iyan. "Hi, Miss. I'm JC, Peyton's friend." Ngiting ngiting pakilala ng nito. Umirap si Pheobo. "Tsk! Hindi ko tinatanong." "Share ko lang." Ngiting ngiting sabi nito. "Ah, Miss, what's your name?" "Wala kang pakialam." "Hi, Miss walang pakialam. Ako nga pala si JC, you can call me babe or baby." Sabi nito bago kumindat. Mabilis kaming nagpigil tawang tatlo dahil biglang nagsalubong ang kilay ni Pheobe at handa nang manapak kahit anong oras. Patay ka JC! "Umalis ka sa harapan ko! Nandidilim ang paningin ko." Pagbabanta ni Pheobe. "Nandidilim? Baka ako ang gamot para magliwanag ang nandidilim mong paningin. At kapag nagliwanag na ang madilim mong paningin, dapat sa akin ka lang tumingin." "Bwahahahahahaha!" "Corny!" "Waley!" Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Pheobe. Patay na. Kinindatan ni JC si Pheobe dahilan para mamula ang mukha nito. Hindi dahil sa kilig kundi sa galit. Tawa nang tawa 'yong tatlo habang ako ay hindi makatawa dahil mayayari si JC nito. Trouble maker pa naman si Pheobe. Sa aming apat ay siya ang siga at mahilig sa away. Nakikipag away rin naman kami pero hindi katulad ni Pheobe na hobby na ang away. Walang aray na hindi nakakapanapak iyan. Parang mamamatay siya kapag walang kaaway, nasanay na kami kaya hinayaan lang namin. Hindi kami nagkulang sa paalala sa kaniya pero siya talaga ang makulit ay ayaw sumunod. Tanging si Zaina lang ang nakakapag patigil kay Pheobe. Paano, takot. Tumayo si Pheobe habang nakapoker face. Si JC naman ay ngiting ngiti. Narinig ko pa na bumulong si Preylla at Paige. "Patay na." "Hindi mo ba ako titigilan?" May inis sa boses na tanong ni Pheobe. Ngumisi si JC bago suklayin ang buhok gamit ang mga daliri. "Nope. Until you'll be mine." Sabi nito bago kumindat. Mabilis na umawang ang bibig namin dahil sa sinabi ni JC. Siraulo, gag*. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Zaina kaya naman napatawa na rin ako. Panigurado na kinikilig ito dahil sa nangyayari ngayon. "Pasensya na pero hindi mangyayari 'yon." Umabante si JC hanggang isang dangkal na lang ang pagitan nilang dalawa ni Pheobe. Napatakip ng bibig si Zaina para magpigil ng kilig habang 'yong dalawa naman ay nag apir pa. Hinawakan ni JC ang baba ni Pheobe dahilan para tumingala ito. "Try me, baby." Napatakip ako ng bibig. Tumalikod si Zaina habang nakahawak ang dalawang kamay sa bibig. Napakurap kurap si Preylla at Paige. "Fubu na lang daw." Sabi ni Zaina bago humalakhak. Mabilis na sumangayon 'yong dalawa naiiling naman ako. "No! Yuck!" Sabi ni Pheobe bago umatras at iiwas ang tingin kay JC. Umupo ito sa tabi ni Preylla. "Si Preylla na lang. Ayaw ko." Mabilis na kumontra si Preylla. "Luh? Bakit ako? Nananahimik ako." Umismid na lang si Pheobe. Agad na nagsalita si JC. "Ayaw ko sa kaniya," Napatingin sa kaniya si Pheobe habang nakataas ang kilay. "Gusto ko ikaw." Tumaas ang kilay ni Pheobe. "Ayaw ko naman sa 'yo." "Wala akong pakialam kung gusto mo ako o ayaw ang mahalag gusto kita. Kaya like me back na." Sabi nito bago kindatan si Pheobe na ikina-ismid nito. "Hindi kita magugustuhan kaya manahimik ka na lang." "Oh My God!" "Peyn!" "Iyak, JC! Iyak!" Imbis na masaktan ay mahina lang na natawa si JC. "Tignan lang natin. Kapag na-fall ka. Akin ka na." Bumaba si JC ay ipinatong ang dalawang kamay sa dalawang arm rest. Nako-cornet niya ngayon si Pheobe! Hala! Hala! "Kapag hindi. Akin ka pa rin." Sabi nito bago kumindat habang kinagat ang pang-ibabang labi. Humalakhak kaming apat. Patay ka ngayon. Wala kang kawala. Ngumisi si Pheobe. "Tignan lang natin." Sabi nito bago imirap at sa ibang direksyon tumingin. Kinikilig yata si Tanga. Impit kaming apat na tumili nang hawakan ni JC ang baba ni Pheobe bago itaas iyon dahilan para magsalubong ang tingin nilang dalawa. I'm gonna die! I'm gonna die! "Eyes on me, baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD