Ngunit sadya talagang mabigat pati ang talukap ng aking mga mata kung kaya hindi ko man lang magawa na magmulat pa at alamin kung ano ang sitwasyon sa aking paligid. Nanginginig ako sa sumasagitsit na lamig na nararamdaman ngunit mainit ang hangin na ibinubuga ng aking bibig. Yumakap na lamang ako ng mahigpit sa katabi kong unan upang makakuha ng kahit konting init dahil sa tindi ng lamig at muling natulog sa pag-asang paggising ko ay magiging maayos na ang aking pakiramdam. "Kamusta ang pakiramdam mo? Dalhin na ba kita ng ospital?" Unti-unti kong minumulat ang mga mabigat na talukap ng aking mga mata ng marinig ang pamilyar na tinig. Hapong-hapo pa ang pakiramdam at wala pa akong lakas. Pero malinaw kong nakikita kung sino ang kasama ko at nag tanong tungkol sa pakiramdam ko. Kumura

