Episode 5

1046 Words
"Iha? bakit parang pumapayat ka at bakit ang putla ng kulay ng balat mo? May dinaramdam ka ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Senyora Loreta na bumadha ang pag-aalala sa mukha habang sinisipat-sipat pa ang aking kabuuan. Wari bang may hindi tama sa aking katawan at kanyang hinahanap. Nagulat na lang ako ng tawagan ako kahapon ni Senyorito Simon mula sa kanyang opisina at nagmamadali akong inutusan na ilipat ang lahat ng mga gamit ko sa kanyang kwarto dahil paparating ang Senyora para raw dalawin kaming dalawa dito sa kanyang bahay. Dali-dali naman akong sumunod at madaliang inayos ang lahat ng mga gamit ko patungo sa katapat na silid kung saan natutulog si Senyorito Simon. Mabuti na lamang at kaunti lang ang mga gamit at damit ko kaya mabilis kong naisalansan at naiayos sa kuwarto ni Senyorito Simon. "Po? Hindi ko po napapansin." Nagtataka ko namang naging sagot habang kinakapa ko pa ang aking pisngi. Ewan ko ba? Nito kasing mga nakaraang araw ay parang wala akong ganang kumain. Tuwing tatangkain kong kumain ng kahit ano ay isinusuka ko at ayaw tanggapin ng sikmura ko. Kaya heto na ang naging resulta, lalo na akong naging payat. "Inaabuso mo ba ang katawan mo iha? Baka sa trabaho mo dito sa loob ng bahay ninyo ay nakakalimutan mo nang kumain at alagaan ang sarili mo? Karen, humpak na humpak ang pisngi mo. Ang kulay mo hindi normal. Para ka ng puting papel sa pagka-putla. Pagsasabihan ko ang asawa mo na kumuha na ng makakasama ninyo dito sa bahay ng hindi ikaw ang gumagawa ng lahat. Bakit ba kasi wala kayong kasambahay?" Ngumiti na lamang ako sa mga sinasabi ng Senyora. "Lola, ako po ang may gusto na huwag ng kumuha pa ng kasama dito sa bahay dahil po kaya ko naman ang mga gawaing bahay." Pagtatakip ko sa desisyon ng asawa ko. "Pero ang laki kasi nitong bahay para sarilinin mo ang mga trabaho. Nakita mo na ba ang sarili mo salamin? Mukha kang pagod na pagod at ibinababad sa sukang sasa sa sobrang putla. Halina ka nga at magpunta tayo sa ospital ng mapa check-up kita." Pag-aya sa akin ng Senyora Loreta at hinamig pa ang aking kanang kamay. "Hindi na po kailangan Lola, pahinga lang po siguro ang kailangan ko. Minsan po kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko na gumawa ng gumawa dahil hindi po ako sanay na nakaupo o nakahiga lang maghapon sa bahay." Pagtutol at paliwanag ko sa nais gawin ni Senyora. Dahil ayoko na siyang mag alala pa sa akin. "I insist iha, para mabigyan ka na rin ng mga multivitamins. Iba kasi ang pagkahulog ng katawan mo. Halos dalawang buwan pa lang kayo dito ay ganyan na ka payat ang katawan mo at ka putla ang kulay ng balat mo." Ekseheradong komento ng mabait na matanda. Para matapos na rin ang usap ay pumayag na rin ako sa nais ng Senyora. Upang mapanatag na rin ang kanyang kalooban tungkol sa aking kalagayan ay sumangayon na ako. Para na rin madalaw ko si Nanay sa ospital. Dahil nga sa laging masama ang aking pakiramdam ay hindi ko nadalaw si Nanay nitong mga nakaraang araw. Samantalang halos tumira na ako sa ospital noong mga nakaraang linggo dahil sa araw-araw akong dumadalaw sa kanya. "Dra. Clemente, how's my grandson's wife? May sakit ba sya?" agad naging tanong ng Senyora ng inabot ng isang babaeng nurse sa babae rin na Doktor ang papel na naglalaman ng mga resulta ng Laboratory test na ginawa sa akin kanina. Kinuhanan ako ng dugo at ihi na kailangan daw talaga para malaman kung mayroon ba akong sakit. Binasa naman ng doktora ang nilalaman ng resulta ng tahimik ngunit dahil sanay na siya sa kanyang gawain ay saglit niya lamang itong pinasadahan ng tingin. 'Yung tipong sinulyapan niya lamang pero alam niya na ang ibig sabihin. "Senyora Sto.Domingo, walang sakit ang ang asawa ng iyong mahal na apo." Nakangiting sagot ng may edad na rin na Doktora na kagalang-galang sa kanyang puting-puting kasuotan. Nakasukbit pa sa kanyang leeg ang stethoscope na kanyang ginamit kanina sa akin. Mayroon siyang suot na salamin sa mata, kulot ang kanyang buhok na umabot lamang sa ilalim ng kanyang tainga. Nakahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Buong akala ko ay mayroon na rin akong sakit. Ang totoo ay kinakabahan din kasi ako sa pwedeng maging resulta base na rin sa mga kakaibang nararamdaman ko na ngayon ko lang naranasan. "Congratulations! She's pregnant!" masayang lahad ni Dra.Clemente na nakipag shake hands pa kay Senyora Loreta. Pumapalakpak pa sa tuwa ang Senyora at mahigpit akong niyakap at mariin din akong hinalikan sa noo. "Congratulations! Karen! Magiging Mommy ka na." Masayang pagbati sa akin ng Senyora na tinanggal pa ang salamin sa mata at pinahiran ang luha. "Lola, bakit po kayo umiiyak?" nag-aalala kong tanong. Ngumiti ng matamis ang Senyora at muli akong niyakap. "Umiiyak ako sa tuwa, Karen. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong alam ko na magkakaroon na ako ng apo sa tuhod," lahad ni Senyora habang nakayakap pa rin sa akin. Pregnant. Buntis ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang ayaw mag sink sa utak ko kahit alam ko naman ang kahulugan ng mga salitang narinig ko mismo sa bibig ni Dra.Clemente. Ganito ba ang pakiramdam ng first time na malaman ang pagbubuntis? Shock. Hindi makakilos? Walang mahanap na salita? Pero isa lamang ang ibig sabihin. May isang buhay na nilalang sa loob ng aking sinapupunan. May isisilang akong sanggol ilang buwan mula ngayon. Sanggol? Sanggol na manggagaling sa akin? Sa akin. Tila napuno ng magkahalong saya at pananabik ang puso ko. Waring maiiyak ako na hindi ko maintindihan kung bakit. Wala sa loob na nahaplos ko ang aking impis na tiyan saka nakangiting tila nangangarap sa kawalan. Magiging Nanay na rin ako? Magiging isang Ina? Hindi naman mapunit ang malapad na ngiti sa labi ng Senyora na masayang nakikipag-kwentuhan kay Dra. Clemente na panay paalala sa mga vitamins na iinumin ko, sa pagkain na dapat ay kainin ko at maging sa mga bagay na dapat iwasan ko. Naisip ko tuloy kung ano ang magiging reaksyon ni Senyorito Simon na magiging Tatay na siya. Akalain ko ba. Iyong hindi ko maalala na pangyayari ay nagbunga pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD