Episode 22

1015 Words

Habang tulog na tulog pa si Santino ay iniwan ko muna siya sa kanyang crib. Inayos ko ang mga unan na nakapalibot sa kanya maging ang mga laruan na binigay ni Selene. Dahil wala si Manang ay kailangan na ako ang kumilos dito sa bahay. Mabuti na lang at marunong makisama ang anak ko at nakatulog ngayong umaga. Madalas talagang hindi ko siya maiwanan dahil umiiyak siya kapag hindi niya ako nakikita sa paligid. Madaling-araw pa lang kanina ay gising na siya at naglalaro kaya heto at himbing na himbing. Mabilis na akong tumungo ng kusina. Naalala kong namataan ko ng bumaba mula sa itaas ng bahay si Senyorito Simon. Panigurado ng nakaupo siya sa lamesa roon sa likod bahay na malapit sa pool at abalang nagbabasa. Tamang-tama at pagtitimpla ko siya ng kape at tatanungin ko na rin kung ano ang nai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD