"Karen, parang may lagnat si Santino?" sabi ni Manang Lorna habang idinampi-dampi pa ang kanyang kanang palad sa noo at leeg ni Santino. Pinasuyo ko muna kasing tingnan niya muna si Santino habang abala akong nagluluto ng hapunan. Afritadang karne ng baka ang aking kasalukuyan pa lang na pinapakuluan. "Ho?" tanong ko at sinalakay agad ng kaba ang dibdib ko sa sinabi ni Manang. "Hindi naman po siya mainit kanina. Masigla pa nga po siyang naglalaro." Nagmamadaling akong naghugas at nagpunas ng kamay sa malinis at tuyong basahan. Nilapitan ko agad ang anak kong tahimik lang na nakahilig ang ulo sa balikat ni Manang Lorna. Agad namang itinaas ng aking anak ang kanyang mga braso ng makita ako. Wala siyang anumang reaksyon sa mukha hindi katulad ng normal niyang ginagawa. Agad siyang tatawa s

