Umuwi ako ng hacienda Sto. Domingo sa pag-asang doon sila tumira sa kanilang sariling bahay na malapit sa hacienda. Pero iba na ang nagmamay-ari ng bahay at lupa kung saan sila dati nakatira dahil ibenenta na raw ni Karen sa kanila ang bahay at lupa. Nagtanong-tanong ako kung may nakakita o nakakaalam man lang sa kung nasaan sila ni Santino pero bigo ako. Wala man lang makapag sabi ng kinaroroonan ng mag-ina ko. Hanggang sa kailangan ko na naman na bumalik ng america dahil nagtangkang magpakamatay si Selene. She overdosed herself by taking sleeping pills. Kahit galit ako sa ginawa niya Kapatid ko parin siya. Nag-iisang kapatid at kapamilya. Inalagaan ko si Selene hanggang sa gumaling. Walang araw na hindi ko naiisip kung kamusta na sina Karen at Santino. Kung ayos lang ba ang kalagaya

