Episode 10

1024 Words
"Nay, kamusta na po kayo dito? Pasensya na po kayo kung hindi na ako araw-araw nakakadalaw para kamustahin ang kalagayan ninyo. Huwag po sana kayong magtampo at magdaramdam. Doble po kasing pag-iingat ang ginagawa ko para po walang mangyaring masama sa akin. Umuulan po kasi nitong mga nakaraang linggo. Mahamog po sa labas at madulas ang mga kalsada. Ayoko naman pong magkasakit o kaya ay baka magkamali ako ng hakbang at bigla na lang po akong madulas kung saan. Alam niyo naman, baka madamay itong apo niyo sa tiyan ko kapag nagkaroon ako ng sipon, lagnat o baka mas malalang mangyari pa roon." Habang nagsasalita ay hinahaplos-haplos ko pa ang mahaba-habang kulay itim na itim buhok ni Nanay. Ganun pa rin ang kanyang kondisyon. Wala pa rin pagbabago sa kabila ng modernong kagamitan na nakakabit sa kanyang katawan. Sa kabila ng mga magagaling at mga dalubhasang mga espesyalista na doktor. Ngunit naniniwala ako na habang buhay ay may pag-asa. Kung kaya naman patuloy lamang ako sa panalangin sa langit na isang araw ay diringgin Niya ang lahat ng kahilingan ko. Isa na nga roon ang gumising at gumaling na sana si Nanay. Nawa'y muli siyang magmulat ng mga mata at muli akong tawagin sa aking pangalan. Panalangin ko na isang araw ay tatayo na siya dito sa hospital bed at maglalakad na parang nagdahilan lamang kanya. Miss na miss ko na kung paano niya ako pagsabihan kapag may nakikita siyang mali sa ginagawa ko. Sabik na akong marinig ang boses niya at ang taginting ng tawa niya. Sabik na kong makita ang masigla niyang paggalaw lalo na kapag nasa harapan ng mga mahal na mahal niyang mga halaman. "Nay, malapit na akong manganak. Sobra nga po ang paggalaw sa tiyan ko nitong apo niyo. Paglabas po nito ay baka sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang likot. Baka kapag nakakalakad na siya ay kung saan-saan na siya makarating. Kung saan-saan ko na siya hahabulin." Nakangiti kong kuwento. Kinuha ko ang kamay ni Nanay at dinala sa aking umbok na tiyan. "Nararamdaman niyo ba siya, Nay? Alam niya po siguro na narito ako sa inyo at gusto niyang magpasikat. Sobrang excited po siguro ang apo niyo na lumabas at makita na rin ang kanyang Lola. Kaya magpagaling na po kayo, Nay. Kayo nga dapat ang kasama ko kapag manganganak na ako. Natatakot din kasi po kasi ako. Ano po ba 'yung pakiramdam ng manganganak na? Totoo po ba na sobrang sakit sa pakiramdam kapag manganganak na? Marami nga pong ipinagbabawal sa akin na gawin at maging sa pagkain. Lalo na si Senyora Loreta panay po ang tawag at pag papaalaala ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Sobrang maalalahanin po ni Senyora, Nay. Itinuturing niya po ako na tunay na apo. Pero talagang kinakabahan po ako sa tuwing iisipin ko na manganganak na ako. Natatakot po ako baka hindi ko kasi kayanin 'yung labor na tinatawag. Baka hindi ko po kayanin umiri. Baka mapaano ang ang anak ko sa tiyan ko kapag hindi ko po siya agad nailabas. Sa palagay niyo ba, Nay ay kaya ko? Paano kung hindi pa ako handang maging Nanay? Paano po kung magkamali ako sa pagkarga sa kanya at mapilayan siya?" mga tanong ko sa aking Nanay. Sana naman kahit boses ko ay naririnig man lang niya. Madalas kong mapanood sa mga teleserye at pelikula na kapag ang isang tao ay nasa coma ay maaaring gising ang kanyang diwa at naririnig nito ang mga boses ng tao sa kanyang paligid. Kadalasan pa ay gumigising sa mahabang pagkatulog na parang wala namang nangyari. Sana nga ganun din ang mangyari kay Nanay. Gumising siya na parang wala lang ang mga nagdaang panahon na nakaratay siya ng matagal sa higaan. "Nay, magigising naman po kayo hindi ba? Ang tagal niyo ng natutulog. Hindi po ba nakakapagod matulog? Hindi pa kayo nangangalay ng nakahiga? Hindi po ba ayaw na ayaw ninyong nakahiga lang at walang ginawa maghapon? Hindi niyo man lang nasaksihan na ikasal ako kay Senyorito Simon. Dapat nga po kayo ang katuwang ko lalo na ngayon sa sitwasyon ko. Ang hirap po pala talagang magbuntis, Nay. Mas naiintindihan ko po ang kalagayan ninyo noong panahong dinadala niyo pa ko sa iyong sinapupunan. Maswerte pa nga ho ako dahil may bahay akong masisilungan. May sapat akong pagkain at kung anu-anong mga vitamins at gatas na iniinom para sa sarili ko at sa baby ko. Samantalang kayo noon, halos manlimos na kayo sa lansangan may makain kang kayo dahil iniisip niyo ang kalagayan ko sa tiyan niyo. Wala rin po kayong matuluyan noon. Kaya iniisip ko ngayon kung paano niyo po ba nakayanan ang lahat ng iyon, Nay? Paano po ninyo nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na kayo lang mag-isa dahil hindi na kayo inuwian ng Tatay ko?" Emosyonal kong pagsusumamo at mga tanong. Alam kong naririnig ako ni Nanay kahit nakapikit siya at hindi gumagalaw. Nagbuntong-hininga ako habang mataman nakatingin sa kanya. Alam kong may himala. Hanggat naniniwala ako na magigising si Nanay ay hindi ko siya susukuan. "Nay, sana naman gumising ka na please. Para naman magabayan po ninyo ako sa tamang pagpapalaki sa aking magiging anak na apo ninyo. Alam niyo ba, Nay. Malapit ko ng malaman ang gender niya. Sabi ng doctor na tumitingin sakin sa pagbalik ko sa susunod na linggo malalaman ko na ang kasarian ng baby ko. Excited na po ko, Nay." Masigla ko pag kuwento. Totoo naman kasi na excited na akong malaman ang kasarian ng magiging anak ko. Wala naman kaso sa akin kung babae siya o lalaki. Tulad ng panalangin ng maraming magulang. Basta maipanganak ko siya ng normal at malusog ay isa ng malaking biyaya. Nasa ika pitong buwan na ako ng aking pagbubuntis. Noong una ay ayoko sanang magpa-ultrasound para surprise ang kasarian ng aking anak. Ngunit na excite na rin kasi si Senyora Loreta na malaman ang kung lalaki ba o babae ang unang apo niya sa tuhod. Kaya naman pinagbigyan ko na. Wala namang masama sa bagay na 'yun. Para alam ko na rin kung anong kulay ng mga damit at iba pang gamit ang dapat kong bilhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD