Stage four ovarian cancer. Ang sakit na tumalo sa isang napaka mabuting tao. Hindi ako makapaniwala na inilihim sa amin ni Senyora Loreta ang kanyang malubhang karamdaman. Hindi alam ng doktor na tumitingin sa kanya na hindi pala ipinaalam ng Senyora ang kanyang kalagayan sa kanyang mga kamag-anak o kahit sa sarili niyang mga apo. Umiinom naman siya ng mga gamot ngunit tumanggi ng magpa-opera dahil nga sa may edad na raw siya at baka mas lalo pa raw madali ang kanyang buhay sa oras na sumailalim pa sa isang mapanganib na operasyon. Damang-dama ng buong hacienda Sto. Domingo ang pagkawala ng presensya ng isang Senyora Loreta. Wari bang ang lahat sa paligid ay walang-buhay. Tila ba kahit ang mga puno at halaman sa kapaligiran ay tumatangis. Maging ang mga hayop ay nakiki simpatya at nakik

