Eoisode 46

1024 Words

Kung pwede nga lang ay lagyan ko ng kandado ang lahat ng pintuan at gate ng aming bahay at itapon sa malayo ang susi upang hindi na mahanap. Kung pwede nga lang din ay itali ko sa kanyang kama o kaya ay painumin ko ng may halong pampatulog ang inumin ni Senyorito Simon, wag lang siyang makalabas ng bahay ngayong araw. Ngayon ay narito siya sa bahay at maghapong hindi lumalabas ng kanyang silid. Sana nga lang ay huwag siyang umalis. Ngunit hindi maalis na isipin kung aalis din siya at iiwanan na naman kaming mag-ina. "Senyorito, saan ka pupunta?" pababa pa lang ng hagdan ay sinalubong ko na si Senyorito Simon na ngayon ay bumaba ng hagdan at mukhang bihis na bihis at may pupuntahan. Nakasuot siya ng damit na pinaghalong kulay puti at itim na polo shirt at naka bukas pa ang tatlong butones

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD