Ilang araw pa lang bago mag palit ang taon ay bumili na ako ng mga dapat bilhin. Mula sa damit ni Santino, sa mga ihahanda kong pagkain hanggang sa mga prutas. "Ang cute naman ng damit ni Santino." Puna ni Manang Lorna ng makita ang binili kong damit para kay Santino na kanyang susuotin sa pagsalubong namin sa new year. Overall na kulay gray at may mga dots na kulay puti. "Nagandahan nga po ako, Manang kaya agad ko na pong binili. Kasyang-kasya nga po kay Santino ng isukat ko." Nakangiti kong sambit kay Manang . "Kumpleto na ba ang mga prutas na binili mo?" tanong ni Manang na saka kinuha ang fruit basket at maayos na sinasalansan ang mga iba't-ibang klase ng prutas na binili ko. Mahirap na kasing makipag siksikan sa pamilihan kaya namili na ako ng mas maaga. "Sige ako na ang bahala r

