"Nagpaalam sa akin na kanina na aalis. Pupunta raw siya sa kapatid ni Estong. Baka naroon sa Hacienda at doon na naman sila naglalaro." Sagot ko naman sa anak kong naupo na sa tabi ko habang panay na ang nguya sa meryenda na niluto ko kanina. Si Seb ang pitong taon gulang kong bunsong anak na lalaki. Oo at tama. Nagka-anak ako ulit. Ngunit kambal sana ang pangalawa kong anak kung hindi nawala sa sinapupunan ko ang isa sa kanila. Mabuti na nga lamang at agad akong naisugod sa ospital ni Manang Lorna at mabilis na naagapan ang pagdurugo ko ng mga nurse at doktor na tumingin sa akin at nailigtas si Seb sa tiyak na kapahamakan. Si Seb na kabaliktaran ng ugali ni Santino. Tahimik at hindi pala kibo ang panganay kong anak. Madaldal at hindi nauubusan ng kwento ang bunso kong anak. Madalas

