Magmula pa kahapon ay hindi na magkandaugaga ang lahat halos ng mga tao sa labas man o sa loob ng hacienda na tumutulong upang maidaos ang gagawin na handaan sa pangunguna ng mabait na si Senyora Esmeralda. May mga naghihiwa ng gulay at karne. May nagluluto ng ibat-ibang putahe ng karne ng manok, baboy, kambing, baka, itik at mga inihaw na isda gaya ng bangus, tilapya at mayroon din naman mga shellfish at marami pang ibang uri ng pagkain ang niluluto. May mga naghahalo ng malagkit na kalamay na halos sumasama na sa malaking kawa kapag hinahalo. Kaya naman samu't-sari na rin ang masarap na amoy ng mga lutuin na humahalo sa hangin na tila lalong nagpapa gutom sa mga tao. Ngayon naman ay abala ang lahat sa pag-aayos ng mga palamuti sa paligid ng hacienda. May mga nag sasabit ng iba't-iban

