Episode 64

1110 Words

Pero sa tuwing masasagi rin sa isipan ko kung ano ang naging kalagayan namin ni Santino noong wala man lang ka amor-amor si Senyorito Simon sa kanyang anak ay para na akong maiiyak at nagbabalik lahat sa aking puso at damdamin ang sakit na naranasan. Bumabalik ang pighati at sama ng loob na naramdaman ko noong mga panahon na mag-isa lang akong lumalaban para sa inaasam na pagtanggap. Kaya tama lang ang naging desisyon ko noon. Ako na ang kusang nagpaubaya at nakipaghiwalay kay Senyorito Simon. Pinirmahan ko ang mga dapat pirmahan sa annulment papers na galing kay Attorney Clemente. Pinirmahan ko rin ng walang alinlangan ang mga papeles na patunay na kusa ko ng binigay sa kanya ang anumang mga ari-arian na pinamana sa akin at kay Santino ng namayapang si Senyora Loreta. Marahil tama nga n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD