"Senyorito, bakit hindi ka naman umuwi kagabi? Hinintay ka namin ni Santino hanggang madaling araw." Kalmado kong tanong at salubong kay Senyorito Simon na sa wakas ay umuwi na ng bahay ngayong alas dos ng hapon. Iba na ang damit na kanyang suot ngunit ang pantalon niya ay hindi nabago. Masakit man talagang isipin na maaaring may kasama siyang ibang babae ay hindi ko naman magawang maisatinig. Oo at mag-asawa kami ngunit alam ko naman na kahit mag hubad ako sa harapan niya ay hindi niya ako magugustuhan. Kung para sa mga babaeng nasa alta siyudad na nakakakilala sa kanya at nakakasalamuha niya ay nabibilang lang talaga ako sa mga ordinaryong mga babaeng taga baryo. Isang simpleng babae na ang tanging alam lang ay mga gawaing bahay. Tumigil naman siya sa paglalakad at seryoso akong hinar

