Hindi ko alintana ang mainit na panahon at pinuntahan agad ang lugar kung saan ko matatagpuan ang aking asawa na hindi man lang nagpakita kahit kanyang anino kanina sa binyag ng anak namin. Nagmamadali akong lumabas ng Taxi na sinakyan namin ni Santino at saka ako tiningala ang mataas na building na napapalibutan ng mga salamin na nakakasilaw dahil sa tama ng sinag ng tirik na tirik na haring araw. "Good afternoon po, Ma'am Karen." salubong sa akin ng guwardiya na mukhang goons na dati ay ayaw pa kaming papasukin ni Santino dahil sa hindi naniniwala na ako si Mrs.Simon Andres Sto.Domingo. Ang nagmamay-ari ng matayog na building na ito at ang nagpapasahod sa lahat ng taong nagtatrabaho sa loob nito. "Good Afternoon din." magiliw kong sagot sa kanya at saka niya na ako pinag buksan ng pin

