bc

Fall For You

book_age16+
845
FOLLOW
3.4K
READ
arrogant
manipulative
independent
drama
bxg
campus
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Nagkakilala sila sa maling pagkakataon at maling paraan. Ma-iiba ba nito ang takbo ng buhay nila?

Izzy Nicole Rodrigues---isang mabait at masunuring anak.

Kyler Montreal---handsome but arrogant person. Masungit sa panlabas na anyo pero may ginintuan din puso.

Can they turn hatreds to love?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nagkakilala sila sa maling tagpo at maling panahon. Isang awayang magtutungo sa kanila sa mas mabuting pagsasamahan o sa marahas na pag-aawayan. Can love change their fate into enemies to lovers? Or will they stay as enemies? Paano kung dumating ang isang pangyayari na magpapabago ng pagtingin nito kay Kyler? Will it be there way to start all over again? Isang pangyayari na magpapabago ng lahat... ~~~~ Galing ako sa library at pauwi na ako. Hindi naman madalas mangyari 'to. Kung hindi ko lang siguro kailangang tapusin ang project ko, siguro ay kanina pa ako nakahilata sa bahay at nagpapahinga. Ginabi na ako ng husto ayon sa aking relong pambisig. Alas singko ang uwian ko at huli na ako ng halos matatatlong oras. Malamang ay nag aalala na si Kuya sa akin. Nagmadali na akong lumabas ng school at naglakad na pauwi. Madilim na ang pakigid at may mangilan ngilan na lang ang makikita mong naglalakad sa lansangan. Malapit na ako sa may palikong eskinita nang may makasalubong akong dalawang lalake na pasuray suray. Halata sa mukha nila ang kalasingan. At ang mga mukha nila ay hindi mapagkakatiwalaan. Kinabahan ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid para tignan kung may makakasabayan ba akong maglakad. Pero mas kinabahan ako nang wala akong makita maski isang daraan. Kahit isang tao lang sana na magpapanatag ng loob ko bukod sa dalawang lalakeng lasing na nakasalubong ko. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Nananalangin din ako na sana ay makalagpas ako ng hindi nila napapansin. Hindi dininig ng Diyos ang panalangin ko. Napaigtad ako sa takot ng bigla na lang nagsalita ang isa sa kanila. "Hi miss, mag-isa ka ata?" Nasa may bandang likuran ko na sila dahil diretso pa din akong naglalakad at hindi sila pinapansin na para bang wala akong nakita. "Oo nga naman, Miss. Baka gusto mo munang sumama sa 'min?" Segunda ng isa nitong kasama. Nanginginig ang aking mga kamay sa takot. Hindi pa din ako umimik at naglakad na lang nang naglakad. The faster I made, the more I trembled. Ang akala ko ay hinayaan nila ako. Nagkakamali ako dahil napasigaw ako sa takot nang may humablot sa kamay ko at hinila ako papunta sa madilim na sulok. Panay ang piglas ko pero mas malakas sila dahil dalawa sila at mag isa ko lang. Masakit ang pagkakahawak nila sa magkabilaan kong braso pero hindi ko ininda. Ang nasa isip ko ngayon ay kung paano ako makakatakas sa kamay nila kahit alam kong mahirap. "Kailangan kong makaisip nang paraan para makatakas sa kanila." Sambit ng aking isipan. Sinubukan ko na namang magpupumiglas. Kaso sa bawat pagpupumiglas ko ay siya ring paghigpit ng pagkakahawak nila sa aking braso. Sobrang sakit. Gusto kong mawalan ng pag asa pero hindi ko ginawa. Tinatatak ko sa isip ko na kaya ko at may taong tutulong sa akin. "Letse! Pakipot kampang puta ka!" Sigaw ng nasa kaliwa ko at mas hjnigpitan pa ang pagkakahawak nito sa aking braso. Napaigik na lang talaga ako sa sakit. "Kuya huwag po..." nagsusumamong pakiusap ko nang itulak nila ako at bumangga ang aking katawan sa matigas na pader. "Kunin niyo nalang po lahat ng pera ko, selpon at bag ko. Huwag niyo lang akong sasaktan. Maawa po kayo sa akin." Napaiyak na ako nang tuluyan dahil sa takot nang tawanan lang nila ako. "'Wag kang mag alala, Miss Sexy. Mag eenjoy ka naman sa gagawin natin! Dadalhin ka namin sa langit." Nakangising sambit nito at dinilaan pa nito ang kanyang labi na para bang takam na takam. "Jackpot na jackpot ka sa amin, Miss. Papaligayahin ka namin at patitirikin ang mga mata." Nakita ko sa maliit na liwanag ang pagngisi nito at paghawak sa ibabang parte ng kanyang katawan. These people are one of those who desperately needed to cure. Mga taong may makamundong pagnanasa na hindi kayang rendahan ang kanilang sarili. I cried hard as I trembled even more in fear. Hopeless na ako, umiiyak na ako habang nagpupumiglas sa kanila. Lalo na nang hawakan na naman nila ako sa magkabilaang kamay at isinandal ng tuluyan sa pader. Sigaw ako nang sigaw. Nagbabakasakaling may makarinig man lang sa akin. Pinilit ko pa ding magpumiglas. Kailangan kong makawala para makatakbo palayo sa mga demonyong ito. I know someone will save me. Pero, sino? Kahit sinong dumaan sa kalsada, hindi na nila kami mapapansin dahil nasa isang sulok na kami nang madilim na eskinita. Umaasa na lang ako na may makarinig sa sigaw ko. Kahit na sumasakit na ang aking lalamunan ay mas nilakasan ko pa ang aking sigaw. Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. One of the guys punched me in my stomach. Namilipit ako sa sakit at dahan dahang napalunod sa semento. Ang sakit. "Ma, Pa, Kuya...." nanghihinang tawag ko sa pamilya ko na tila ba maririnig nila ang hinagpis ko sa mga oras na ito. Nanghihina na ako. Wala na akong nagawa nang ipahiga ako ng isang lalake habang ang isa naman ay nagtatanggal ng suot nitong sinturon. I sobbed. Takot na takot ako pero wala ako magawa kung hindi umiyak na lang. Mabait naman akong anak, pero bakit ganito ang sasapitin ko? Bakit ganito kasaklap ang malalasap ko? Ang magagawa ko na lang ay umiyak. I can't even move my body in pain. Pipikit na sana ako at tatanggapin na ang lahat ng bigla akong magulat sa pagbulagta ng lalakeng nagtatanggal ng kanyang sinturon. Tapos yong isa naman ay kasalukuyan ng nakikipagbunuan sa lalakeng hindi ko maaninag ang mukha dahil madilim. I don't know kung safe na ba ako dahil may tumutulong sa akin o dapat na mas matakot ako. Nasa isip ko kung, paano kong isa din siya sa kanila? I cried even harder while squeezing my stomach in pain. Mas pinili ko na lamg ang pumikit at hayaang mangyari ang mangyayari. "Are you alright?" Someone asked me and help me to sit up straight. Mabilis akong nagmulat at tinignan kung sino ang lalakeng tumulong sa akin. My eyes are blurry. Hindi ko makita ang mukha nito. But his voice is familiar. "Don't worry, you are safe now." Napayakap na ako nang tuluyan sa kanya nang tuluyan ko siyang makilala. "Thank you, Kyler?" Nanghihinang pasasalamat ko sa kanya habang hindi maampat ang luha sa aking mga mata. "Okay ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?" He asked. Tumango ako, "kaya ko.Thank you so much." Sobrang thankful ako kasi despite of everything, nagawa niya pa rin akong iligtas. "Thank you for saving me, Kyler. I owe you my life." "Stop crying, Izzy. Everything will be alright. Just calm down." Pagpapakalma nito sa 'kin sabay hagod niya sa mahaba kong buhok. Dahan-dahan niya akong pinatayo. Akala ko ay kaya ko. Mali na naman ako. Bago pa ako tuluyang makatayo ay nandilim na ang aking paningin at nawalan na ng malay. Dahil na rin sa sakit at rakot na nararamdaman ko. Ito na ba ang magiging daan para sa magandang pagsasama ng dalawang magkaaway? Will Izzy start to treat Kyler as her hero and fall for him? Samahan niyo ako sa kuwento nilang dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.0K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.5K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.6K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook