[Shawn] Nag aalala na ako. Ang sabi sa akin ng kapatid ko ay male-late lang siya. Gabi na pero wala pa siya. Sinubukan kong tawagan ito pero naka-off ang cellphone niya. May tiwala ako sa kapatid ko. Ang ikinatatakot ko lang ay baka mapahamak siya. Ganitong oras ay mahirap ng sumakay pauwi. She can walked from her school to our house. Pero impossibleng gawin niya iyon dahim ilang beses ko siyang binilinan noon pa man na huwag siyang maglalakad mag-isa kapag gabi na. "Baka kasama niya si Elisse." Tumatangong pagkausap ko sa aking sarili at napaupo sa sofa. Kinakabahan talaga ako at hindi mapakali kaya tumayo agad ako at nagpalakad lakad habang naghihintay ng tawag. "Alas otso na..." saad ko habang panay ang tapik ko sa aking pambisig na relo. Napagdesisyunan kong tawagan si Elisse.

