Izzy Bago ko pa man mapihit ang pinto. Napapitlag ako sa humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa likod ko na mas lalong nagpagulat sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Isang maling galaw lang at paniguiradong magkakahalikan kami. Nagwawala nanaman ang puso ko sa sobrang lapit ng mga mukha namin. I don't know how to hide this feeling. Kinakabahan na hindi mo maintindihan. Pero bago pa mangyari yun kailangan kong isiping ikakasal na siya. Hindi ako pinanganak sa mundo para maging kabit lang. Unti unti kong iniiwas ang mukha ko sa mukha niya. Kahit gustong gusto ko siyang mahalikan. Nagulat ako ng isinandal niya ako sa may pinto. Pinagdikit niya ang mga noo namin. s**t!!! Hindi to pwede!! Protesta ng utak ko. Pero sumasalungat ang puso ko. "Tumingin ka sa akin Izzy." Madiing

