Kyler Ngayon ang opening ng caffee ni Izzy. Masaya ako kasi ito ang matagal niya ng pangarap. Excited din ako kasi ngayon makikita ko siya ulit. After kasi noong binyag hindi ko na siya nakita. Akala ko nga pagpasok ko maabutan ko pa siya. Masyado na pala akong nagtagal uminom sa labas at hindi ko na namalayan ang oras. Nagsisi tuloy ako kung bakit pa ako uminom ng araw na yun. Andito na kami ngayon sa caffee. Ang dami na ngang tao pagpasok namin. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya. Maganda ang ambiance ng caffee na pinatayo niya. Maraming nakasabit na mga balloons at flowers sa kisame. Talagang love ang theme ng caffee niya. Proud na talaga ako sa kanya. Noong kami pa lagi naming pinag uusapan ang tungkol sa pangarap niyang caffee. Dati pangarap niya lang ito. Pero tignan mo n

