Kyler Masakit ang ulo ko pagkagising ko. Napangiti nalang ako ng mapait sa isiping tuluyan na niya akong pinalaya. Sobrang sakit para sa akin na makitang nasasaktan siya ng dahil sa akin. Bumangon ako ng kama ko at dumiretso ng banyo para maligo. At ng maalis ang sakit ng ulo ko. After kong maligo nagbihis na ako at lumabas na ng kuwarto. Nagulat ako ng makita ko si Arianne na nakaupo sa may sala at halatang hinihintay ako. Dito pala siya natulog. Hindi ko na kasi alam yung nangyari sa akin kagabi. Ang gusto ko lang kagabi ay ang magpakalasing para kahit papaano makalimot ako sa sakit na nararamdaman ko. Sakit na kailanman ay alam kong hindi na maghihilom. Lumapit ako sa kanya at binati siya. "Morning, dito ka pala natulog?" tanong ko sa kanya pero hindi niya umiimik. "May problema k

