Izzy Naiwan akong umiiyak at tulala. Naguluhan ako sa sarili ko sa mga nalaman ko. "Bakit ngayon pang masaya na ako?" umiiyak kong tanong sa sarili ko. Hindi ko rin maitatangging may puwang pa siya sa puso ko. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nagtagal pa ako sa park ng kalahating oras. Hindi ko kasi mapigilang hindi umiyak sa mga nalaman ko. Bumalik sa akin ang mga masasaya naming mga sandali noon. Kung ako ang pinili niya noon. Siguro masaya pa rin kami hanggang ngayon. Pero nangyari na ang nangyari at hindi na ito kaya pang ibalik ng panahon. Nang mahimasmasan na ako, tumayo ako at nagsimulang maglakad hanggang sa may sakayan. Pagdating ko sa bahay nakita ko pa si kuya na nanonood ng tv sa salas. Naramdaman niya siguro ang pagpasok ko kasi napalingon siya sa direksyon ko. Nagulat a

