Nathan Napatingin kami ng biglang tumayo si Izzy sa upuan niya. Tinanong siya ni Blake kung okay lang siya. She said she was okay. Pero kung titignan mo siya, namumutla siya. Nakita ko pa siyang pumikit at napahawak sa mesa. Tinanong din siya ni Elisse kung okay lang siya. Hindi na siya sumagot kaya napalapit ako sa kanya. Hawak hawak na siya ni Blake. Nakita kong nilibot niya yung paningin niya sa amin at tumigil eto kay Kyler. Nakita ko pa yung mapait niyang ngiti habang nakatingin sa kanya. Nagulat nalang kami nung natumba na siya ng tuluyan buti nalang nasalo siya ni Blake agad. Binuhat niya si Izzy papuntang clinic. Nagmamadali si Blake, halos takbuhin na niya papunta doon. Tumingin muna ako sa mga kasama ko bago tumingin ng masama kay Kyler. Nag aalala yung mukha niya pero galit ak

