Elisse Ang ganda talaga ng boses ni best kahit kailan. Noong sinabi niya na kakantahan niya kami, siyempre gustong gusto ko yun. Simula pa kasi noong bata kami idol ko na yung boses niya.Nang magsimula na siyang kumanta nakatitig lang kami sa kanya habang nakangiti. Alam ko na nasasaktan pa din siya hanggang ngayon sa sinapit ng relasyon nila ni Kyler. Kahit nakikita namin siyang nakangiti pero hindi eto umaabot sa mata niya. Nung matapos na yung kanta niya bababa na dapat siya kaso parang nagulat siya at nakatingin sa isang direksiyon. Nilingon namin kung ano yung tinitignan niya. And there he is, standing at the entrance of the bar with Arianne beside him. Nag aalala tuloy ako sa bestfriend ko. Nakita ko namang ganoon din sila Nathan habang nakakuyom mga kamao nila. Hinawakan ko yung

