Izzy Nakahinga ako ng maluwag after naming mag usap ni Tristan kanina. Heto ako ngayon nagbibihis na papuntang park. Sana nga lang dumating siya. Kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasama? Sinama ni kuya si Cedrick na magbakasyon. Sinasama nila ako kaso ayaw ko. Kailangan ko munang ayusin ang problema ko. Gusto ko pagbalik ng anak ko maayos na ang lahat. Kailangan ko siyang makausap ngayon. Kahit anong mangyari hihintayin ko siya hanggang dumating siya. Mag aalas siyete na ng makaalis ako ng bahay. At saktong seven ng makarating ako ng park. Marami pang mga tao sa ganitong oras. Nagpark muna ako sa may malapit lang. Lumabas na ako ng kotse at naglakad papuntang park. Nakita ko naming may bakanteng upuan. Naglakad ako papalapit doon at umupo. "Hihintayin kita." Bulong ko habang

