HE KNOWS

1033 Words
Patay-malisya si Dani kinabukasan, hangga't maaari ay ayaw niyang may makaalam sa mga nakita niya. Tiyak niyang pag-iinitan na naman siya ng dalawa kung sakaling malaman ng mga ito na nanilip siya sa ginawa ng mga ito sa may pool. Inabala niya ang sarili sa pag-aalaga kay Devorah. Maaga pa lang ay isinakay na niya ito sa wheelchair para paarawan. Kagaya ng dati ay nasa hardin na naman sila. Ipinatong niya ang mga paa nito sa hita niya at minasahe habang parehas silang nakatanaw sa bukang-liwayway. "Napakaganda po ng lugar ninyo, Ma'am Devorah... Ang swerte ninyo dahil sa bawat araw ay nasisilayan ninyo ang ganitong tanawin nang walang iniisip na problema." Ani Dani. Hindi niya maiwasang humanga sa buhay ng mga ito. Sa malaparaisong lugar ng mga ito. Buhay na hindi niya kinalakihan. The Mondragon island holds a spectacular beauty that can make everyone love it for a lifetime. Sayang nga lamang at hindi niya madadala roon ang pamilya niya. Hindi tuloy nila makikita o mararanasan man lang ang buhay niya sa isla.  Napabuntong-hininga siya. Sumagi na naman sa isip niya ang ina. Nag-aalala pa rin siya sa kalagayan nito dahil sa patuloy nitong pagda-dialysis. Kung mayaman lang sana sila ay baka nadala na niya ito sa mas maayos na ospital kung saan may mas maayos na pasilidad. "Hmmm," ugong ni Devorah.  Napangiti siya. Sa simpleng interaction nila ni Devorah ay nalalaman niyang nakikinig ito. Hindi pipi o bingi si Devorah ngunit hindi ito nagsasalita. Ang sabi ni Manang Lucinda, bigla na lang daw itong nanahimik kahit pa kausapin ay hindi ito sumasagot. "Alam ni'yo naman pong maysakit ang nanay ko hindi ba? Sana isang araw ay madala ko rin siya sa mas maayos na ospital para mas maasikaso siya. Ang hirap po kasi kapag walang pera, natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya kung hindi ko siya maipapagamot kaagad." Muli niyang wika. Lumamlam ang mga mata niya, sa sulok ng kanyang mga mata ay nagbabadya ang mga luha na tila nais umalpas mula sa kanya. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang emosyon na lumulukob sa kanya. Ayaw niyang maging malungkot dahil baka panghinaan siya lalo ng loob. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at humarap sa ginang. Binuksan niya ang FM radio sa cellphone niya at nagsimulang sumayaw-sayaw sa harapan nito. Mas lalo siyang ginanahan nang makitang sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Mas lalo niya pang ginalingan sa pagsasayaw na para bang wala ng bukas. Wala siyang kamalay-malay na sa 'di kalayuan ay naroon si Kade at pinapanood ang bawat pag-indak ng dalaga. Bawat pitik ng malalantik nitong bewang ay bumubuhay sa bawat himaymay niya. Ang bawat tawa at halakhak nito ay parang musika sa pandinig niya. Naalala niya pa ang panlalaki ng mga mata nito habang pinapanood sila ni Alice na nagtatalik.  Dani is totally naïve and it irritates him. How come mayroon pang babae na napaka inosente sa ganitong panahon? But Dani is a good dancer, he must admit. She was dancing gracefully that he doesn't even notice he's not even blinking while watching her. "Don't tell me you're being attracted with her?" wika ng isang tinig. Paglingon niya ay nakita niya ang nobya na nakahalukipkip habang nakasandal sa pader. Suot pa rin nito ang roba nito at waring kakagising lamang. "Oh c'mon, she's not my cup of tea and you know that!" mariin niyang tanggi. He couldn't be attracted to someone like her. There's no way! "Then, what's with the stare? I've been standing here for as long as I can remember and I haven't seen you blink even just once. I am telling you, Kade. Kung maghahanap ka rin lang ng kapalit ko, you must find someone who's better than me. Hindi ko siya ka level sa kahit na anong aspeto. Isang insulto sa akin kung sa kanya ka lang pala maakit habang narito naman ako sa tabi mo." "I was enjoying the sunshine, don't be silly." Muli niyang tanggi. Tumalikod siya mula sa kinaroroonan ni Dani at hinigop niya ang kape na nakapatong sa lamesa. "Have a seat and join me," anyaya niya sa dalaga. Umingos ito sa kanya ngunit naupo rin kapagkakuwan. Hinila niya ang bakanteng silya at itinabi ito sa kanya. Pagkaupo pa lang ni Alice ay hinimas niya na kaagad ang hita nito para mawala ang tampo nito at inis sa nakita. Alice is jealous but she can't stay mad for long lalo na kung nilalambing niya ito. "Why can't you just fire her? She's not even a real nurse. Maybe you could find someone better who's actually fit for the job." "I can't," aniya. "Why?" patay malisyang sagot nito. "You know the reason why, don't play dumb." May pagka iritang sabi niya. "No, I don't!" "You know how hard it is for someone to stay with Mom. She's stubborn and all that, at tanging si Dani lang ang nakatagal sa kanya. Isa pa, you already know how tired I am sa kakahanap ng nurse para sa kanya." Katwiran niya. "Of course, she has no choice but to stay, she's poor as a rat. What do you expect? Kaya lang hindi ako kuntento sa serbisyo niya. Isa pa, ang sakit niya sa mata. I can help you find someone to replace her. All you can do is ask." Angal muli ni Alice. He knows why she's acting like that. Dani is also a beauty and it makes her quite insecure. "We've already talk about this, don't we?' aniya.  Nakita niya ang pag-ikot ng eyeballs ni Alice tanda ng hindi pa rin nito pag sang-ayon sa kanya. Pero ano'ng magagawa niya? Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi niya ito mapagbibigyan. Dani will stay to help his mom as long as she wants. "Let's not ruin our day for someone like her, Alice. Ang mabuti pa ay maghanda ka, we'll do snorkeling later. Remember, aalis ka na naman bukas. Kailangan nating sulitin ang bawat oras na narito ka." Sambit niya..  "Sounds better." Ani Alice. Parehas na sila tumahimik dahil dumating na ang almusal na pinahanda niya sa mga kawaksi. Hindi na rin siya nagtangka pang sulyapan si Dani dahil baka kulitin na naman siya ni Alice at matuloy pa ang pagtatantrums nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD