PAGMAMALDITA

1205 Words
"Magandang tanghali po, Ma'am Alice, narito na po ang juice na order ni'yo." Sambit ni Dani. Inilapag niya sa harapan nito ang isang basong fresh orange juice na may kasamang yelo. Nasa may garden ito at nagpapahangin. Katatapos lang ng mga itong magbabad sa dagat at napagpasyahan nitong tumambay muna sa labas habang nasa mansion naman si Kade at nagpapalit ng damit. Bahagyang sumulyap sa kanya si Alice at pagkatapos ay umismid. "Ikaw na naman?" "Ako lang po kasi ang nakarinig sa tawag ninyo. Busy po kasi sa kusina ang iba kaya ako na po muna ang humalili sa kanila." Sagot niya habang nakangiti. "May kailangan pa po ba kayo?" dugtong niya. "I heard you're a good masseur," sagot nito habang nakatitig sa kanya. "P-po?" takang tanong niya. She chuckled, "Oh, right! Hindi ka nga pala makaintindi ng english. Ang sabi ko, magaling ka raw na masahista?" Napayuko siya. "Hindi naman po, ma'am. May alam lang akong kaunti kasi naghihilot po sa baryo namin ang lola ko." "Sit." Muli niyang tiningnan ang dalaga. Tama ba ang narinig niya? Pinapaupo siya nito? "S-sige po." Aniya. Hinila niya ang isang silya sa tabi nito at mabilis na naupo. Tumikwas ang kilay ni Alice at pinandilatan siya ng mga mata. "Who told you to sit there? Sa lapag ka maupo!" singhal nito. Itinuro nito ang semento sa gilid ng mga paa nito at doon siya pinapaupo. Wala nang sali-salita na sumalampak siya sa itinurong pwesto nito. "Pakimasahe naman ang mga paa ko. Pinulikat ako kanina habang nagda-dive," ani Alice. Walang pasabing ipinatong nito ang mga paa sa hita niya. Iniabot nito ang dala niyang juice at sinimulang inumin. "S-sige po, ma'am..." sagot niya. Tahimik niyang hinilot ang paa nito habang abala naman ang dalaga sa pagkakalikot sa latest cellphone nito. Buti na lang at tulog ang alaga niya kaya kahit asikasuhin niya si Alice ay hindi makakaabala sa kanya. Kung siya sana ang masusunod ay gusto niya itong makasundo. Pakiramdam niya kasi gagaan ang buhay niya sa mansion kung sakaling magiging mabait ang turing nito sa kanya. Kaya nga kahit madalas siya nitong tarayan ay hindi niya ito pinapatulan. Sa halip ay pinapalampas niya na lang sa pag-asang mapa-amo ito. "Ouch! Are you crazy?! Pipilayan mo pa yata ako!" sigaw ng dalaga. Namumula ito sa galit sa kanya dahil lamang sa bahagya niyang nadiinan ang pagmasahe sa bandang sakong nito. "Sorry po, ma'am, hindi ko po sinasadya!" tarantang wika niya habang pilit na hinahaplos ang paa nito para mawala ang sakit ngunit tinabig lang siya ng dalaga. Buti na lamang at naitukod niya ang siko dahil kung hindi baka maumpog ang ulo niya sa malaking bato sa likod niya. "Oops! Sorry din! Hindi ko sinasadya!" patuyang wika ni Alice sa kanya matapos matapon sa uniporme niya ang juice nito. Mabilis siyang nagpagpag ngunit umabot na sa kanyang panloob ang likidong naitapon sa kanya. "Ayos lang po, magpapalit na lang po ako Ma'am." Sagot niya. Wala rin namang mangyayari kung papatulan niya ang dalaga dahil tiyak niyang ito pa rin ang kakampihan ni Kade.  "Hindi ko malaman kung paano kang natatagalan ni Tita Devorah at ni Kade. Kung ako lang ang masusunod, I want you out of this island as soon as possible! Naiinis akong isipin na habang narito ako ay narito ka rin at sinisira ang araw ko!" "Pasensiya na po Ma'am, pipilitin ko pong huwag nang lumapit sa inyo sa susunod para hindi ko na po masira ang araw ninyo. Pero huwag po sana ninyo akong papaalisin dito, kailangan ko po ng trabaho para sa pamilya ko." Pakiusap niya. "Get out of my sight! Hindi ko talaga matagalan ang mga taong kagaya mo. Isa kang salot sa mga kagaya namin!" gigil nitong sigaw. "Sorry po, ma'am..." Mabilis siyang tumayo para iwanan ito. Ngunit bago pa man siya nakahakbang ay muli itong nagsalita. "Where's my juice?!" "Maghahanda po ako ulit ng maiinom ni'yo ma'am!" aniya bago dinampot ang basong walang laman. Malalaki ang mga hakbang na bumalik siya sa kusina para muli itong ipaghanda ng juice. Nadatnan niya roon si Nida na nakatambay kasama si Digna. "Ano'ng nangyari sa'yo, Dani?" usisa ni Digna. Maagap itong kumuha ng basang towel at pinunasan siya. "Ano pa nga ba?" aniya. Malakas siyang napabuntong-hininga habang nililinisan ang sarili. "Pwede bang kayo na lang ang maghatid ng juice kay Ma'am Alice? Kailangan ko yatang magpalit ng damit kasi pati underwear ko ay nabasa." "Walang problema, sabi ko naman kasi sa'yo na kapag siya ang nag-uutos, hayaan mo na lang kami. Hindi naman siya ang alaga o amo mo, bakit mo ba pilit na pinagsisilbihan 'yan kahit alam mo naman na mainit ang dugo sa'yo." Ani Nida. Kagaya niya ay banas na rin ito sa inaasal ng girlfriend ng amo ngunit isa ring walang magawa. "Busy ka kasi kanina n'ong tumawag siya para manghingi ng maiinom. Natutulog naman si Ma'am Devorah kaya ako na lang ang nagbigay. Hindi ko naman alam na pag-iinitan niya pa rin ako." "If I know, insecure lang 'yon sa ganda mo! Pasalamat siya at mayaman siya at may lahi. Hindi gaya sa'yo na pure na pinay pero kung magtatabi kayo, hindi hamak na mas maganda ka pa rin sa kanya. Kaya siguro ganyan ka na lang kung pag-initan." Ani Digna. "Ano'ng kaguluhan ito?" dumadagundong na tanong ng isang baritonong tinig. Sabay pa silang tatlo na napalingon at nakita niya na nakatayo si Kade sa may pinto. Madilim ang mukha nito at tila hindi gusto ang narinig na pag-uusap nila tungkol sa nobya nito. "W-wala naman po, S-sir K-kade," kandautal na wika ni Nida. Mabilis itong kumuha ng malinis na baso at sinalinan ng juice para maihatid na kay Alice. Si Digna naman ay kaagad na nagpaalam na may gagawin. Naiwan siya na parang basang sisiw habang hawak ang basang bimpo. "What happened to you?" usisa ng binata. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Dahil doon ay nagyuko ng tingin ang dalaga. Saka lang niya nakita na bakat pala ang mayayaman niyang dibdib dahil sa pagkabasa ng tela. Ipinagkrus niya ang mga kamay para itago ang sarili. "Nagkamali po kasi ako kanina, natapon ko po 'yung juice ni Ma'am Alice." Pagak na tumawa ang binata, "How can someone so clumsy and stupid at the same time?" Napakagat labi si Dani. Oo at high school graduate lang siya pero naiintindihan niya ang mga sinabi nito. Alam niya kung ano ang tagalog ng stupid at clumsy dahil nabasa niya iyon sa libro. "Hindi ko po sinasadya at hindi na po ito mauulit." Hindi kumibo ang binata ngunit lumapit ito ng bahagya sa kanya. Ginagap nito ang baba niya kapagkuwa'y nagsalita. "Change your clothes, now. Your insides is visible to my naked eyes and I don't like it. Hindi mo naman siguro gusto na nasisilipan ka, am I right?" bulong nito sa kanya. Napapitlag ang dalaga dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Langhap niya ang pabangong gamit nito at ang amoy preskong balat. "S-sige po, S-sir, magpapalit na p-po ako!" kandautal niyang sambit. Mabilis siyang umatras papalayo sa binata at pagkatapos ay patakbong nagtungo sa kanyang kwarto. Pakiramdam niya ay pinanghinaan siya ng tuhod nang maamoy niya ang mabangong hininga ng amo na tumama sa mukha niya nang magsalita ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD