Kanina pa naghihintay ang dalaga na ibalik sa kanya ni Kade ang cellphone niya. Kanina pa siyang alas siete tapos sa duty niya pero hindi pa rin nito binabalik ang kinumpiska nito. Paano niya ngayon tatawagan si Ken para alamin kung ano ang problema nito? Tiyak na nag-aalburuto na ito. "Digna, pwede bang makihiram ng cellphone mo? May load ka ba? Tawagan ko lang si Ken, hindi pa kasi isinasauli ni Sir Kade 'yung cellphone ko," aniya kay Digna. Pinuntahan niya ito sa kwarto ng mga ito para sana makitawag. "Naku, sorry Dani, pero wala akong load eh! Kaka expire lang kanina, pasensiya ka na..." anito sabay iwas ng tingin. Bumaling siya kay Nida. "Sorry Dani, lobat ako..." paiwas na rin na sagot nito. Dumiretso na siya kay Betty na nakahiga na sa kama nito ngunit hindi pa man siya nagsasa

