GOOD SAMARITAN

2056 Words

Sa kabila ng sumbong sa kanya ni Ken ay hindi rin naman magawang magreklamo ni Dani sa amo. Baka kapag ginawa niya iyon ay kung ano pa ang maisipan nitong gawin sa kanila. Mas mabuti nang hayaan na lang ito para hindi ito humaba pa. Kinausap niya na rin si Ken na huwag itong tatawag dahil hindi na siya ang humahawak ng cellphone sa araw. Nagalit ito ngunit wala rin namang magagawa si Ken para mabago ang sitwasyon. Hindi na rin siya nasorpresa nang manghingi ito sa kanya ng pampaayos ng motor at panghulog pero wala siyang magagawa para matulungan ito. Inipit ni Kade ang sahod niya at hindi rin niya pwedeng bawasan ang perang itinabi niya para sa ina. Idagdag pa ang pagbabawal sa kanya ni Kade na mangutang dahil wala naman siyang aasahang pambayad sa loob ng dalawang buwan. Naaawa man siya s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD