"Sir Kade? Pinapatawag ni'yo raw po ako?" bungad niya sa amo. Nasa rooftop siya ng mansion kung saan siya pinapapunta ng amo. Tapos na ang duty niya at imbes na sa kwarto nito magpunta para kunin ang cellphone, sa rooftop na siya dumiretso dahil iyon ang sabi sa kanya ni Lucinda. Maganda ang panahon ng gabing iyon, namumutiktik ang mga bituin sa langit at presko ang hangin. "Yes, come over here, Miss Soler." Sagot ng binata. Nasa gilid ito kung saan naroon ang mga tanim nilang dragon fruit na nagsisimula ng mamunga. Tahimik siyang sumunod sa ipinag-uutos nito. Hindi niya maintindihan kung ano na naman ang pakulo nito, gayunpaman, ipinangako na niya sa sarili na hindi na siya magpapa apekto pa. Trinabaho na yata talaga nito ang inisin siya at kung iyon lang ang kaya nitong gawin ay hahayaa

