Simula nang regaluhan siya ni Kade ng bagong cellphone ay palagi na siyang tinutukso ng mga kasamahan. Ang hinala ng mga ito ay may gusto sa kanya si Kade kaya nagpapa-impress sa kanya. Nabanggit rin ng mga kasama ang biglaang pangingialam nito sa relasyon niya ni Ken. Marahil daw ay nagseselos si Kade kaya nito pinagtitripan palagi si Ken bagay na ipinagkikibit-balikat lamang ng dalaga. Hindi siya naniniwala na may gusto sa kanya ang amo dahil hindi siya ang tipo ng babaeng pag-aaksayahan nito ng oras at panahon. Mestisa ang mga tipo nitong babae at mala singkamas na kulay ng balat ang nakakabuhay ng dugo nito, gaya ng girlfriend na si Alice. "Grab mo na Dani, swerte mo na 'yan huwag mo nang pakawalan. Kapag ginawa mo 'yan para ka ng nagtampo sa kanin!" ani Digna. "Truth! Imagine, siya

