Kung anong saya ni Kade sa tuwing nakakatulong siya sa pamilya ni Dani nang hindi nito nalalaman. Siya namang lungkot niya dahil muli na namang naging mailap sa kanya ang dalaga. Patuloy siya nitong iniiwasan na para bagang may nakakahawa siyang sakit na hindi nito magawang lumapit sa kanya. And to be honest, he is hurting. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may kulang sa kanya. Is it normal to miss someone even if you're both living under the same roof? 'This has to stop!' anang binata sa isipan. Naiinis siyang isipin na mas nami-miss niya pa si Dani keysa sa nobyang si Alice na mahigit isang buwan nang wala sa isla. Damn! "Can we talk?" tanong ng binata kay Dani. Pinuntahan niya ang kwarto ng ina para siya na mismo ang magsauli ng kinumpiskang phone ng araw na iyon. The

