Katatapos pa lang ni Dani na maligo nang gabing iyon. Hindi niya alam kung pupuntahan siya ni Kade sa kwarto niya dahil wala pa ito. Nagmamadali itong umalis kanina at hindi nagpaalam kung saan pupunta. Hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagtanong dahil kasama niya si Nida nang umalis ang binata. Hindi muna siya nagsuot ng kahit na ano sa katawan. Bagkus ay pinagmasdan niya muna ang repleksiyon niya sa salamin. Wala siya ni isang saplot at napangiti siya nang makita ang mas lumaki niya pang dibdib. Hinawakan niya iyon at bahagyang pinisil. "Why are you staring at yourself like that? Something wrong?" anang tinig. Paglingon niya ay nakita niya si Kade na nakatayo sa may pintuan niya. Nakatitig ito sa kanya ng may halong pagsamba. "Wala naman, naalala ko lang si Nana Lucinda. P

