Puyat at halos walang tulog si Kade dahil sa paghihintay niya ng balita sa lagay ni Leleng. Gusto niyang masiguro ang kaligtasan nito. Ang huling balita niya ay umuwi muna pansamantala si Larissa dahil nasa ICU ang matanda at nasa state of coma. Ang sabi ni Mang Niko ay dadaan muli sa test ang matanda para malaman kung bakit ito biglaang na comatose. Mas lalo siyang natakot para sa matanda. Hanggang ngayon ay wala pa ring alam si Dani at hindi niya rin alam kung paano sasabihin dito ang totoo. "Hmmm..." ungot ng binata. Naramdaman niya ang bahagyang paglundo ng malambot niyang kama. Hindi niya iyon pinansin dahil gusto niyang habulin ang antok. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pag-angat ng kumot at ang pagdantay ng mainit na braso sa bandang tiyan niya. Marahan niyang idinilat ang mga m

