Labis ang iyak ni Dani nang magkamalay muli, kaagad itong nagpahatid sa ospital kung saan naroon si Leleng. Wala siyang alam na naospital na pala ang ina. Kung hindi pa ito nawala, saka pa ipapaalam sa kanya ng pamilya. Hindi niya alam kung paano nangyari na nakapaglihim sa kanya ang mga ito at nakayang dalhin sa private hospital si Leleng. Batid niyang walang ganoong kakayahan ang kanyang ama kaya palaisipan sa kanya ang lahat. Habang nasa biyahe ay yakap siya ni Kade. Walang ampat ang luha ni Dani at lahat ng iyon ay nasaksihan ni Kade. Masakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang dalaga. Kung pwede nga lang sana na siya nalang ang makaramdam ng sakit ay gagawin niya kumalma lang ito. "Papa, Larissa, ano'ng nangyari kay mama?" hagulhol na tanong ni Dani pagkarating sa ospital. Sinal

