Nakahinga nang maluwag si Kade ng mabalitaan niyang bumubuti na ang lagay ni Leleng. Positibo ang reaksiyon ng katawan nito sa ginawang surgery sa kanya. Mula sa ICU ay nakatakda na rin itong ilipat sa private room. Labis ang pasasalamat sa kaniya ni Mang Niko dahil sa ibinigay niyang tulong. Ngunit para sa binata ay wala nang mas hahalaga pa sa kaligtasan ng ginang. Ibig sabihin ay hindi na niya kailangan pang mag-alala pa kay Dani dahil wala na sa panganib ang buhay ng nanay nito. "Good morning, Nana Lucinda." Bati niya sa matanda. Maaga siyang gumising dahil gusto niyang magbabad sa dagat bago siya lumabas ng isla para dalawin si Leleng. "M-magandang u-umaga po, Sir Kade!" tila gulat na ganting-bati nito. "What's with the face, para kang nakakita ng multo." Aniya. "H-ha? W-wala nama

