Hindi ko na hinintay pa ang bukas. Pagkauwi noong tanghali, binunot ko kaagad ang pinakatatagong cellphone. "Come on... Pick up, pick up..." I was furiously mumbling as I paced back and forth. Kanina pa ako roon sa isang burol kung saan may signal. Kanina pa rin ako tawag nang tawag kay Kuya Archie. Iyon kasi ang una kong naisip na gawin, ang tawagan siya. Pero halos tatlong beses ko na itong tinatawagan, ayaw pa rin namang sumagot. Inabot muna ako ng ilang mga mura bago iyon kumonekta! "Hello? Who's this?" said a woman's voice. Natigilan ako sa paglalakad. That's definitely not my brother! "Uhh..." Hindi ko tuloy alam ang sasabihin. "Hello?" Hindi ko na ito sinagot hanggang sa ito na mismo ang pumutol ng tawag. Napaupo ako sa isang malaking bato. Great. Just great. Kung kailan ka

