Kinagabihan ay nag-aalangan akong sumama. Kaarawan kasi ni Ronnie, isang anak ng kasamahan namin. Imbitado kaming lahat sa bahay pero gumagayak pa lang sila ay nakangiwi na ako. "Sus! Ayaw mo lang pumunta kasi alam mong... pupunta ang boylet mo!" inis pa ni Nanay Juanita. Sinamaan tuloy ako ng tingin ni Belle. Pati kasi siya ay nakasama, nakasuot na ng jumper, long sleeves at bonet. "Hindi ko po ganoon si Mickey," katwiran ko. "Atsaka... huwag nga kayong nagsasabi ng mga salitang ganoon, 'Nay." Tumango naman si Belle. "Kaya nga! Ginagaya mo lang si Auntie Connie e..." "Kayo naman! Ang susungit ninyo!" "Oh huwag ninyong pinagtutulungan ang lola ninyo. Tumatanda na kaya nagpapabata..." wika ni Tatay Nestor na kanina pa nananalamin. "Isa ka pa! Ewan ko sa inyo!" Sa bandang huli, wala

