Kanina pa ako hindi nagsasalita, nakikiramdam lang. Si Mickey naman na nasa tapat ko, tahimik lang din pero hindi tulad kong hiyang-hiya. Instead, he looked comfortable like he own the f*****g place. Yabang! "Ate Princess!" biglang bulyaw ni Belle kaya naman napaigtad ako sa kinauupuan. "Ngayon ay magpapaliwanag ka na ba? Nahanap mo na ba ang dila mo?" Napamura ako sa isip-isip ko. Kanina kasi pagdating ni Belle, nadatnan niya kami ni Mickey na... magkalapit. E hindi ko naman gustong maabutan niya kami ng ganoon. O kahit na sinong kasama namin sa bahay, hindi talaga dapat. Pero ganoon na nga ang nangyari kaya tuloy itong isa ay daig pa ang principal kung makakastigo sa amin. Paano ay tanghalian na pala kaya umuwi na siya. Nawala sa isip ko iyon ah! Wala nang iba pang dahilan kung hindi

