Hindi kami pinatakas ng malupit na ulan. Biglang buhos kaagad, ang lalaki pa ng mga patak! Nakikita ko nang madilim ang langit kanina pero hindi ko naman inakalang babagsak kaagad ang tubig. Basang-basa tuloy kami ni Mickey pagbalik sa bahay-kubo. Putik-putik na rin ang aming mga bota at binti. "Ayos ka lang ba?" Binalingan niya ako. Obviously, I wasn't. Pareho kaming nagtampisaw sa tubig-ulan. Sa patuloy na pagdilim ng langit, mukhang mamaya pa iyan huhupa. Minsan ay ipinagpapasalamat kong malapit kami sa langit. Malamig. Pero minsan ay may pagkakataon din talagang isusumpa mo. Katulad na lang ngayon, para bang enjoy na enjoy pa mag-shower sa ulan ang bundok. Lightning zoomed past us, followed by its thunder clap. With the combination of both, it painted the dark sky with their whit

