Mariin ang aking pagkapikit. Ang akala kong daliring kumalabit sa gatilyo ay nanginginig. Nag-aalumpihit ang aking puso sa pag-alala ng nakaraan. That loud gunshot came only from my dreams. I thought I already lost them after years and years of trying to recover. Hindi pa pala ako tapos managinip. Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng nag-iisang putok ng baril na iyon, ang pinaniniwalaan kong pumatay kay Papa. "Rana..." maingat na tawag ni Mickey. Halos makalimutan kong kaharap ko lamang pala ito. Unti-unti kong binuksan ang mga mata sa nag-aabang nitong mga kamay. "It's okay. Everything is fine," marahan niyang sambit. "Now... Give me the gun. Please..." My lips trembled. Bumaba ang aking tingin sa isang kamay na hawak iyon, nakatutok sa isang direksyon. I didn't even know if i

