Mahigit isang oras ang itinagal sa paghahanap kay Belle. Nakita na lamang ito sa ilalim ng mga bato at putik, malayong-malayo sa pinanggalingan. Maraming galos ang kaniyang mukha at halos hindi na humihinga. Lima silang residente sa amin na isinugod kaagad sa ospital dahil sa landslide. It wasn't until three hours later that she woke up, coughing as hell. Tapos ay unti-unti na ring kumalma at nakatulog. Kasalukuyan akong nakaupo sa labas ng kaniyang kwarto. Si Nanay Juanita na kanina pa alalang-alala, nagbabantay kay Belle sa loob at mukhang nakaidlip din. Si Tatay Nestor naman ay kaaalis lang dahil kailangang suriin ang palibot ng aming bahay. Hindi pa rin ako nakakapagpalit simula kanina. Pareho pa rin ang mantsa sa aking damit at ang kulay ng putik sa bundok. I, too, helped finding

