Hindi ako halos nakatulog nang gabing iyon. Mulat na mulat ako, hinihintay na lamang na mag-umaga. The realization kept me up all night. That I hadn't really stopped loving him. Oo, nagalit ako. Oo, nasaktan ako... pero hindi ibig sabihin noon ay nakalimutan ko nang mahalin si Mickey. Katulad ng pait na dinala ko sa anim na taon, ganoon din ang pagmamahal ko para sa kaniya. My heart felt so full to the point of breaking. Naroon ang lahat ng aking emosyong matagal nang itinatago. At sinusubukan ko mang hawakan gamit ang aking mga kamay, dalawa lamang ito. It made the entire night painful, but came the morning after, the after effects hit me all at once. Wala na si Mickey. Sinunod na nga siguro ako. Lagi naman. Hindi ko pinagsisisihan ang mga sinabi ko kahapon sa kaniya. Totoo naman ang l

