Walang nagawa si Mickey kung hindi ang panoorin ako sa pagmamadali ko. Hindi naman siya nag-empake dahil wala naman siyang ma-e-empake. I brought him here unprepared. Mabuti nga't pinahiram siya ng damit ni Kuya Rick dahil kung hindi ay wala siyang pamalit kahapon. Pero wala na akong pakialam. May damit man o wala, may pera man o wala ay bahala na. Bahala na! Basta ay aalis na kami roon. Nang magkasama. "Ano? Sasama ka ba o hindi?" Pinandilatan ko si Mickey dahil tapos na akong mag-empake at lahat-lahat, nakatayo pa rin siya sa gilid ko, nakahalukipkip. "Sasama..." He pursed his lips. "Iyon naman pala e! So stop standing there and help me!" Lalong humaba ang nguso nito ngunit sumunod din naman sa utos ko. Bitbit ang aking mga gamit ay lumabas kami ng kwarto. Sa sala, inabutan ko si Ku

