Kuya Archie and I agreed to meet in a much secluded place. Nang daanan namin siya ay hindi ko bumaba ng sasakyan. Pinasunod ko lamang sa minamaneho ni Mickey. Medyo kinakabahan ako dahil hindi naman alam ni Kuya na kasama ko ito. As far as I knew, he was a firm believer that Mikhail Alicante was my father's murderer. Hindi ko alam ang tatakbo sa isipan nito sa oras na bumaba ako kasama ng lalaking ipinamamalitang pumatay sa aking ama. Narating namin ang address ng napili kong mas malayong hotel restaurant. Big trees surrounded the place and greens were everywhere. From afar, it looked like a big mansion in the middle of a golf course. "Wait..." pigil ko kay Mickey nang akmang bababa na ng sasakyan. Tumango naman ito at naghintay. Sinipat ko ang likuran kung saan pumarada ang sasakyan

