(Giving birth) KAKATAPOS LANG ni Liberty maligo nang maisipan niyang magluto ng banana cue. Si Myron ay abala sa sala sa pagbabasa ng ilang papel kaya hindi na niya inistorbo. Si Manang Mona naman ay pumunta sa bayan upang mamili ng kanilang supplies sa bahay. Sineryoso talaga nito na manatili sa Veteran’s Village dahil sa nalalapit niyang panganganak. A husband material. Wala siyang masyadong alam sa uri ng trabaho nito kung hindi sa laging papel lang ang kaharap nito. “Ano ‘yang niluluto mo, baby?” Hindi niya maiwasang mapangiti sa endearment na itinawag nito sa kanya. “Baka kung mapa’no ka riyan.” “Okay lang ako. Gagawan kita ng banana que para hindi ka magutom.” “Wow, talaga? Sige, pero ingat ka riyan sa kusina. Baka biglang lumabas si baby ng wala sa oras,” pagbibiro nito.

